CHAPTER #68

548 15 4
                                    


Chapter 68:
If only.


Tanghali na pero hindi parin ako tumitinag sa kama na kinauupuan ko. Tahimik na kapaligiran lang ang namamayani dito sa loob.

Hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng utak ko ang mga nakita ko. Lalong hindi ko alam kung sino ang makakasagot ng mga tanong na nag lalaro sa isip ko. 
Sa lahat ng tanong sa isip ko ay nangingibabaw ang tanong na bakit pa kailangan mag kita kami, bakit kailangang mag tagpo muli ang mga landas namin.

Naipikit ko ang mga mata kong hanggang ngayon ay namumugto parin kasabay ng pag yakap sa sarili kong mga tuhod.

Nasa ganoong sitwasyon ako ng tumunog ang phone ko. Hindi ko nalang sana iyon sasagutin at pinabayaan lang na tumunog pero muli lang na tumunog iyon.
Tinignan ko lang iyon para tignan kung sino ang tumatawag.

Nagpakawala ako ng malamig na hangin mula sa bibig ko bago iyon dinampot at sinagot.

“Are you okay?”
Bungad sa'kin ng boses mula sa kabilang linya. Kalmado lang ito pero mababakas ko sa tono niya ang pag aalala.

“Yeah, I'm okay.”
Sagot ko, salitang hindi na bago sa'kin. Salitang parating nag kukubli sa sakit na nararamdaman ko. Salitang parati kong isinasagot sa pag aakalang kaya nu'ng itago hanggang sa tuluyan ng malikot ang lahat ng bagay na nag dudulot pang sakin ng hapdi.
“No,  I'm not okay.”
Salungat na dugtong ko kasabay ay unti-unti ng pag hikbi, hindi na ito nakatiis. Tila pati ang bibig ko ay sawa nang mag sinungaling. Nag sasawa na'tong mag labas ng isang ngiti na ako man ay alam na hindi iyon totoo.

“I'm sorry,  I'm really sorry. ”Nagawa kong magtaka dahil sa pag hihingi ni Diocel ng patawad. Doon ko tuluyang naisip na alam na nga nito ang nagyari sa event kagabi.
“If I only could ease your pain. I'll do anything.” Nangiti ako sa pag aalalang ibinibigay niya. Pinunasan ko na ang sarili kong pisngi.

“Don't be sorry for the things you didn't do. ”

“But hearing you crying makes me feel that it's all my fault, Audrey.”

“Pa'no ka pala napunta dun? ”
Pag iiba ko ng usapan.
Saglit na tumahimik ang kabilang linya bago ako nakarinig ng pag buntong hininga mula sa kanya.

“I'm invited...Actually, si Dairinn noona ang nag invite sa'kin, pero hindi s'ya nakapunta dahil may biglaang emergency.”

“Huh? Pa'no s'yang naimbitahan du'n?”Hindi ko maiwasang mapa isip. Ang alam ko lang kasi ay sinet ang meeting na'yon para mag pakilala na ang CEO at ang tanging andon lang bukod sa employees at Reporters ay mga Shareholders.

Natigil rin naman ako ng maisip na baka may kaibigan si Diarinn na isa sa mga guest kaya gano'n.

“Ano kasi--”

“Beesiee!! ”
Hindi nagawang magpatuloy ni Diocel sa sasabihin niya dahil kapwa kami pinutol ng sigaw na iyon ni Emjay. Alam kong paakyat palang ito kahit pa ang lakas ng boses niya.

“Sige, Diocel. Mamaya nalang tayo mag usap.”

“Pero... ”Akmang papatayin ko na ang tawag ng marinig iyon muli kong ibinalik ang phone sa tenga ko ko at nag antay ng sasabihin n'ya.
“S-Sige, saka nalang tayo mag usap.”S'ya na ang mismong nag patay ng tawag. Nangunot ang noo ko dahil parang may gusto pa s'yang ipaalam sa'kin pero nag aalalanga.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon