Chatper 64:
It's the right time.
Mabilis lumipas ang isang linggo. Naging maayos naman ang pag tatrabaho ko sa Empire corp kung minsan nga lang ay andon parin ang paninigaw sa'kin ni Ms Rayos na nakasanayan ko na lang.Ayokong isipin na ayaw n'ya sa'kin pero iyon talaga ang lumalabas.
Day off ko ngayong araw at mabuti nalang ay nagawa kong ipasayal si Anecia kanina. Kahit na wala si Diocel ay naging masaya naman kami na dalawa lang.
“kamusta 'yang boyfriend mo, okay na ba kayo.”Muling pag bubukas ko ng pag uusapan.
Kanina pa kasi iyang si Emjay dito. Pag kauwi namin ay kararating lang din n'ya. Kanina pa rin kami nag uusap.
Saglit na naiyuko n'ya ang ulo niya.
“Hindi s'ya umuwi kagabi, hindi ko alam kung saan s'ya natulog--baka sa office nya.”Nag buntong hininga s'ya
“Ayoko namang puntahan doon, ayokong isipin n'ya na sinasakal ko s'ya.”Dugtong pa niya bago ngumuya ng French fries na kanina nya pa nilalantakan.“Ano? Talagang hindi maayos ang relasyon n'yo kung panay kayong iwasan sa isa't isa.”
“Ewan ko basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko s'ya. ”Sagot n'ya. Ang totoo'y kanina ko pa gustong bigwasan. Kaya lang ay hindi ko maiwasang napatingin sa kanya habang tila sarap na sarap sa kinakain.
“Kelan mo pa nakain ng french fries? ”Turo ko sa bowl na kanina pang ay puno pa pero ngayon ay halos maubos na n'ya.
“Hindi ka naman kumakain n'yan dati diba?”Hindi ko lang talaga maiwasang mag taka ng mag paluto s'ya n'yan kay manang samantalang noon ay hindi naman s'ya nakain ng french fries.
“Huh? Hindi ba?”Saglit na tinigil n'ya ang pag nguya para ibaba ang tingin doon bago nag kibit balikat at muling sumubo.
“Ewan ko, masarap naman pala kasi. ”Inosenteng sagot n'ya.
Nangunot ako pero nailing din dahil baka mali ang naiisip ko.Pinanood ko s'yang kumain lang ng maya maya ay.
“Ano ba'yon ang baho!”Reklamo n'ya na mabilis na nag takip ng ilong.
“Naamoy mo bessie? Nakakasuka ah.”
Umiling ako dahil wala naman akong naamoy kundi ang niluluto ni manang mula sa kusina.
“Ang baho talaga.”Hindi na nya napigilang tumayo para lumipat ng mauupuan.
Saglit ko lang s'ya na tinignan bago nanlaki ang mata ko.“Besie, tara. May pupuntahan tayo. ”Tuamayo ako. Takang binalingan naman nya ako.
“Huh, saan?”
Doon kami nag katinginan lang.--
“Uy. Besie ba't tayo andito? Anong gagawin natin jan? ”Ngiwing tanibg ni Emjay ng makarating na kami sa hospital at naka tapat na ng pinto ng OB-GYN
“Mag papa check-up ano pa bang gagawin jan? ”
“Mag papa check-up--'wag mong sabihing buntis ka. Wag kang mag inaso bessie ah. Wala kang jowa. ”Gulat na turo nya sa'kin.
Nailing nalang ako. Kahit kelan talaga.“Hindi ako, ikaw.”Tamad na saad ko. Namilog ang mata n'ya na humawak pa sa tyan.
“Buntis ako!! ”
Gusto kong matawa sa reaksyon niya na animo'y ayaw pang maniwala bago tamad na binalingan ako.
“Anong natira mo bessie? Ano, Gynecologist ka na rin ba ngayon. ”malakas na natawa pa ito at gusto ko s'yang batukan.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...