CHAPTER#32

739 16 1
                                    


Chapter 32: I'll destroy you!




Maaga akong nagising para ipag handa si Mom ng breakfast.  Halos ilang araw ko naring ginagawa 'to.
Para narin mas makasama ko pa s'ya bago s'ya umalis dalawang araw mula ngayon.

Pag kaalis ni Mom ay nag hugas na'ko ng pinggan bago umakyat para maligo.

Pag kabihis ko ay humarap na ako sa salamin para ayusin ang mukha ko. Gano'n nalang ang ngiwu ko ng makityang nag babalat pala ang labi ko. Ang totoo ay kahapon pa ito pero hindi ko lang pinapansin dahil hindi naman malala. Siguro dahil sa papalit-palit ng panahon. Kumuha nalang ako ng hospital mask mula sa cabinet ng first aid kit at sinuot iyon.

Pag ka labas ko ay laking gulat ko ng makita si Tristan na nakasandal sa kotse niya.

Nag madali akong isara ang gate. At lumapit sa kanya.

“Kanina ka pa? ” Nag aalalang tanong ko. Umayos s'ya ng tayo bago nakangiting tumango.
“Bakit hindi mo'ko tinext para pinapasok kita.”

Hinawakan n'ya dalawang kamay ko.
“Ayaw kitang madaliin eh..” Natatawang tugon niya.
“ Saka handa naman akong antayin ka kahit gaano ka katagal. ” Patawang nasinghal nalang ako dahil natawa ako sa naging sagot n'ya.

“Oh. Ba't ka may suot na hospital mask?”
Ngumuso ako ng marinig iyon kahit pa hindi naman nya nakikita.

“Nagbabalat kasi yung labi ko. Dahil siguro sa panahon ngayon.”
Sagot ko saka umupo sa harapan nya. Inilapag ko ang bag ko sa lamesa.  Hindi naman gano'n kalala ang pag babalat pero hindi pang kasi ako sanay.

Lumapit pa ito sa'kin
“Patingin nga. ” Bakas ang pag aalala sa mukha nya kaya agad na tinanggal ko ang suot kong mask at iniangat ang mukha ko sa kanya.

“Ayan oh.” Ngumuso pa ako sa harap niya.
Nanlaki ang mata ko ng bigla ay angkinin n'ya ang labi ko. Ilang segundo iyon tumagal at tanging s'ya lang ang gumagalaw. Naiwang nakaawang pa ang bibig ko ng bitawan n'ya na ang labi ko.
Natawa pa s'ya dahil halata ang pag kagulat sakin

Nang nahimasmasan ako ang nagawa ko ng tumayo saka s'ya hinampas sa balikat.

“Bakit? ” Natatawang pag mamang maangan nya.

“N-Nakakainis ka! Aisht.” Tarantang sabi ko bago mabilis mag lakad papasok sa loob ng kotse niya

Ayokong makita nya ang mabilis na pag pula ng pisngi ko. Kaya ng pumasok s'ya ay sinadya kong sa labas lang tumingin.

Nagitla ako ng bigla ay halos yakapin nya ako dahil sa lapit n'ya. Napalunok ako dahil sa lagkit ng titig nya.

Hahalikan nya ba ko ulit? 

Napapikit ako nang unti-unti niyang ilapit muli ang mukha niya sa'kin.
Sinadya kong bilisan ang lakad ko para hindi na s'ya sumunod.

Ilang segundo ata akong nakapikit bago narinig ang tunog ng pag lock ng seat belt. Agad akong dumilat at makitang wala na pala sa harap ko ang nangingisi ngayong si Tristan.

“Hindi naman tayo pwedeng umalis ng hindi mo pa nasasuot yan. ” Turo nya sa seat belt bago natatawang pinaandar ang sasakyan.

Nangiwi ako dahil sa sobrang hiya ng nararamdaman ko.

Napahawak ako sa dibdib ko sa bilis ng tibok nu'n.
Ba't ba kasi s'ya gano'n? tch.

Tahimik lang ako sa byahe dahil sa hindi mawalang hiya. Nang maramdaman ko ang kamay nyang humawak sa kamay ko habang hawak nya sa kabilang kamay ang manibela.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon