Chapter 5: Give them time
Gumagawa kami ng art works, gugupitin ko nalang sana tong mga edges ng color paper para magkaroon ng design.
"Oh. Asan na gunting ko? " Sabi ko sa sarili ko nang mawala ang gunting ko na kanina ay nasa lamesa lang.
Hinanap ko pa iyon sa ilalim ng lamesa pero wala hanggang sa papunta sa gawi ni Tristan ang mata ko at makita ko iyong ginagamit nya. Hahayaan ko nalang sana s'ya hanggang matapos kaya lang ay alam kong tapos na sya at kung ano ano lang naman ang pinag ti-tripang gupitin.
Nag buntong hininga nalang ako saka tumayo at lumapit sa kanya.
Nakakainis, hindi ko manlang naramdamang wala na pala ang gunting ko, gano'n na ba ako ka manhid?
Hinablot ko mula sa kanya ang gunting
"Akin na nga 'tong gunting ko. Wag mong pag laruan. Nasasaktan 'eh. "Hugot#7
"Hay hugot nanaman s'ya." ngumuso ito na tila ang cute para sa'kin
"Wag ka kasing pakielamero noh. "
"Damot."
"Hindi ako madamot. Sawa na kasi ako'ng magbigay nalang lagi na halos wala ng matira and then the end ako na nga yung nagbigay, Ako pa yung nasaktan. "
Hugot#8
"Okay fine. Hay. "
"At saka pwede kung may nagmamay ari na. Wag mo nang aagawin. Nag na mukha kang cheap eh. "
Hugot #9
Bumalik na'ko sa ginagawa ko.
After ng ilang minutes. Natapos nadin ako
Sakto kasi tapos nadin time na ni sir. So lunch break na Yeheeeey!Tumigin ako kay Emjay pero di pa sya tapos.
"Ano besie kaya mo pabang tapusin yan? Kaya mo pa? "
"Kaya pa naman."
"Ganyan naman lagi eh. Kahit nasasaktan kana pilit mo paring kinakaya. "
Hugot#10
Dismayado'ng umiling naman s'ya
"Tss. Enough na yan, baka madamay pako sa pag kabitter mo eh. Hindi ko pa tapos ginagawa ko. "
"Besieeeeee. Nagugutom na'ko" reklamo ko
"Edi mauna kana sa caffeteria. Susunod nalang ako tapusin ko lang to. "
"Sure ka?"
"Osige."
Saka ako tumayo."Wait Audrey, sabay na tayo. "
"Wag na. Sige babye. " Sagot ko nang hindi manlang tumitingin sa kanya saka patakbong lumabas.
Alam kong hindi tama iyon pero wala naman akong pagpipilian kundi gawin 'yon para maka iqas sa kanya.
Nung nag lalakad nako sa hallway. Bababa nalang sana ako sa may stair.
"Audrey!"
"Ayy! BUTIKI!--"
Sa sobrang gulat ko ay napihit ako agad patalikod dahilan para ma out balance ako at matimba sa sahig. Pasalamat nalang at naka hawak ako sa hawakan sa hagdanan at hindi ako nag tuloy tuloy sa baba pero ang sakit lang dahil na ihampas ko ang kanang kamay ko sa balak na hawakan at tinamaan ang buto nu'n.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...