Chapter 38: Clingy BoyfriendAUDREY POV
Kaka upo ko lang sa couch kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Ang totoo'y nag pahinga lang ako dahil napagod ako kakatype ng presentation namin, mamaya'y tatapusin ko na rin iyon. Kinuha ko ang phone ko nang mag vibrate 'yon. Nangiti ako nang makita ang pangalan ni Tristan at agad na sinagot ang tawag.
“Ang tagal mo namang sagutin. ” naawang ang bibig ko sa bungad nya. Wala pa ngang minuto nang sagutin ko. Hinayaan ko nalang s'ya at ngumiti.
“Bakit ka tumawag, May kailangan ka? ”
“Oo, ikaw. I'm damned missing you right now.” napapadyak ako nang marinig iyon. Aaminin kong kinilig ako kahit na parang walang gana nyang sinabi iyon.
“...And missing you is fuck killing me. I need you, puntahan mo ako dito ngayon na.”
Napaayos ako nang upo dahil sa nag uutos nyang tono.“N-Ngayon na?”
“Bakit ayaw mo?”
“Hindi naman sa gano'n kaya lang kasi may kailangan pa akong tapusin--”
“At pati buhay ko matatapos nadin pag hindi pa kita nakita. ”
“Tristan.. ”
“It's Yeobo, Audrey. Call me Yeobo! Pag hindi ka pa pumunta dito sa loob ng ilang minuto break na tayo.”
Nalaglag ang panga ko nang babaan nya ako matapos sabihin 'yon. Hindi ko pa agad naibaba ang phone ko dahil sa pag kabigla.T-Teka. Tinatakot n'ya ba ako?
Naiiling na tumayo nalang ako saka umakyat sa kwarto ko para mag bihis.
Pagka baba ko ay nag paalam na muna ako kay manang at umalis na.
Ilang minuto bago ako nakarating sa bahay nila. Pinapasok naman agad ako ng guard nila sa gate at nang hahawakan ko na sana ang doorknob ay bumukas na ito at iniluwal si Yohand.
Nagulat ito nang makita ako“Oh! Audrey? Buti at naisipan mong dumalaw, iyong si Tristan kasi nababaliw na sa loob baka makagat pa ako. ” natatawang itinuro nya pa ang loob.
Tinignan ko ang kabuuhan nya at mukhang may lakad sya.“Aalis ka?”
Tinignan nya ang kabuuhan nya saka ngumiti sa'kin“hhm nag bihis ako saka lumabas ng pinto kaya.... Siguro nga aalis ako. ” nairapan ko sya dahil sa pamemelosopo nya saka natatawang nag lakad ngunit huminto run sya
“Oh wait. ”
Bulalas nya saka muling humarap sakin na parang may nakalimutan.
“Don't forget to lack the door...”
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko agad naintindihan ang sinabi n'ya pero agad na lumaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig n'yang sabihin.
Natawa sya dahil sa naging reaksyon ko bago natatawa paring nag lakad na paalis.Ang Yohand na 'yon!
Nag buntong hininga muna ako bago pumasok sa loob nila.
Hindi ko agad nakita si Tristan na siguro ay nasa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
Storie d'amoreWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...