Chapter 26: I'm tired.
Ilang araw narin ang nag daan.
Tulad nung una ay nag patuloy ang pagiging malamig sa'kin ni Tristan. Kung kausapin man nya ako ay normal na usapan nalang hindi na tulad ng dati na malambing s'ya. Hindi narin kami nag kakasama ng dalawa nalang kung wala ata sila Yohand at Emjay ay tuluyan na kaming nawalan ng dahilan para mag sama.Hindi ako nagagalit o kahit na iinis man lang sa ginagawa n'ya dahil alam kong kasalanan ko naman. Nung araw na pinili kong samahan si Diocel kesa sa kanya ay parang ipinamukha ko sa kanya na kahit s'ya ang gusto ko ay mas pipiliin ko si Diocel. Bagay na nag kamali ako.
Andito kami ngayon sa cafeteria dahil free time. Tanging si Emjay lang ang nag sasalita na panay kulit kay Yohand.
“Alam mo kanina, hubby. May nakita akong mga babaeng halatang kinikilig na naman ng makita ka...Try mo kaya mag mask saka sumbrero pag lalabas ka na ng room... Ay! Oo. Ibibili kita, masyado kang gwapo. Nakakainis”
Natawa ako dahil sa tila pagiging striktong girlfriend nito.Hubby? Buang talaga 'tong babaeng 'to -_-
“Tch. Don't tell what should do and stop being a psycho girlfriend, we're not even in a relationship yet.”
Ibang klase talaga itong si Yohand kung minsan. Imbis na matuwa s'ya ay naiinis pa sa pang lalaking sa kanya ng babaeng nililigawan.“Nakakainis ka!!” Inis na singhal nito bago hinampas si Yohand.
“Ba't ka ba ganyan? Kahit ano atang pa cute ang gawin ko hindi tatalab sa'yo.. Psh!” Ipinag krus nito ang mga braso nya. Naikinatawa lang ni Yohand.“E ba't kasi nag papa cute ka pa, hindi ka naman cute.” Pang aasar pa nito na lalong nag pa ngiwi sa mukha ni Emjay bago sumeryoso.
Sa mga oras nato ay alam kong seryoso na nga s'ya at kung dadagdagan pa ni Yohand ang pang aasar ay bigla nalang itong aalis.
“Inform lang kita, Nakakapagod ding manuyo sa'yo. Wag mong antaying mag day-off ako.” Seryosong aniya. Hindi s'ya sinagot ni Yohand na hindi rin inaasahan ang pag seryoso nya kaya tumikhim nalang bago tumingin sa ibang side saktong may dumaan na babae at doon natuon si Yohand.
“Hays. Bilis ng panahon, kanina lang ako mahal nya ngayon iba na.” Bulong ni Emjay habang naka ngalumbaba at nakatingin sa ibang side. Dahil sa lakas ng boses nya ay narinig namin.
Nakita ko ang pasimpleng pag labas ng ngipin ni Yohand dahil natawa kay Emjay.Lumapit pa ito kay Emjay. Nakita ko kung pa'no isiniksik ni Yohand ang mga daliri niya sa mga daliri nito bago humalik sa balikat.
“Don't worry, Yohand Choi is all yours...kahit abnormal ka.” Malambing na aniya bago tuluyang ibinaon ang mukha sa leeg ni Emjay.Mukha nawala na ang inis ni Emjay base sa mukha n'yang mabilis ng namula.
Merong din naman sweet sa side ni Yohand, mas pinipili nya nga lang maging cold. Siguro to avoid being hurt again.Binuksan ni Yohand yung bottled water at binigay kay Emjay na mabilis namang nitong kinuha.
“Nubayan. Ang lamig naman ngayon parang... S'ya.” Pag kasabi nya ng last part ay agad na tumingin s'ya sa'kin bago bumalin kay Tristan.
Nangiwi ako dahil nakita na naman kami nitong si Emjay. Kahit na lagi naman nya itong ginagawa sa twing mag kakasama kami ay nakaramdam parin ako ng ilang. Bwisit talaga itong si Besie minsan. Ang lakas talagang mang asar.
“Pupunta lang akong comfort room. ” Tumayo na ito na hindi manlang inantay ang sagot namin.
“Okay, I declared that, the defendant is guilty. ” Parang lalaking boses na sabi ni Emjay na itinaas pa and hintuturo.
Naiiling na tumayo nalang ako.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...