CHAPTER #41

693 10 2
                                    


Chapter 41: Jealous

Naging mabilis ang pag daan ng dalawang buwan. Naging okay naman ang relasyon namin ni Tristan sa loob nu'n. May naging komportable at open pa kami sa isa't-isa may mga bagay na nagagawa at nararamdaman ko sa kanya na noon naman ay hindi ko nakita kay Diocel. Siguro ngayon masasabi kong mas inlove ako sa kanya.  At masaya akong malaman na trapped na ako kay Tristan Daewoon Choi. 

Ngayong araw na tatanggalin ang cast ni Tristan. Anh totoo'y dapat sa susunod na araw pa pero ang sabi nya ay okay na daw iyon.  Nag papasalamat din ako kay Dairinn dahil hindi s'ya napapagod na halos twice a day pumunta sa school para lang ihatid ang medicines ni Tristan. Minsan pa'y si Tristan na mismo ang pumupunta sa hospital pag walang pasok.

Alam ko naman sa mga araw na nag kakasama sila ay unti-unti na nilang nakikilala ang isa't isa. Minsan lang ay hindi ko maiwasang magtaka dahil parang nahahalata ko kay Tristan na iniiwasan o hindi s'ya komportable kay Dairinn. Hindi naman na ako nag Tatanong kung bakit dahil alam ko naman dahil iyon sa kapatid s'ya ni Diocel

Kaya minsa'y napapatanong ako sa sarili ko kung pa'no kaya kung hindi kapatid ni Dairinn si Diocel siguro ay sobrang close na nila ngayon.

Hinawakan ko ang kamay ni Tristan ng ihinto nya na ang kotse sa parking lot.

“Sigurado ka bang ipapatanggal mo na yan?”Nagawa ko pang itanong iyon kahit na andito na kami.

Ngumuso ito.
“I'm scared. What if I die? ” Natawa ako sa inasal nya na tila bata bago nya ako sinabayan sa pag tawa.

“Baliw ka talaga. ”

“Sa'yo. ” Hinalikan nito ang kamay ko.

--

Nang makapasok na kami ay agad na lumapit kami sa nurse station para itanong si Doctor Kang. Nag kamali pa nga ako at Dairinn lang ang nasabi ko. Hindi naman kase ako sanay na tinatawag s'yang Doctor Kang.

Ilang minuto pa kaming nag antay sa waiting area dahil nasa meeting pa daw ito.

“Oh. Tristan-ssi, Audrey. ”Bati nito sa'min. Tumayo na kami

“Tara na? ” Balin nya kay Tristan na tumingin sa'kin kaya ngumiti ako.

“Aantayin nalang kayo dito... ”

“Okay ka lang jan, sure ka? ”

“Oo nga, sige na. ”

“Ang sweet nyo talaga ano? Hays. Kahit sinong taong makakita sa inyo siguradong maiinggit. ”Nabalin kami dito na ngayon ay naka ngiti at mababakas nga ang pag katuwa sa'min.

Nang makapasok na sila ay hindi ko hindi ko napigilang sundan sila ng tingin. Hindi pa ako nakuntento dahil sumilip pa ako sa maliit na glass sa may pinto.

Doon ko nakita ang pag uusap nila. Mukhang masaya ang pag uusap nila dahil kapwa sila natatawa. Nakita ko ang saya sa mukha ni Dairinn habang kausap si Tristan. Hindi ko maalalang nakita ko na s'yang ganito kasaya noon. Ewan ko pero naiwas ko agad ang paningin ko bago bumalik sa pag kakaupo. Hindi ko maintindihan itong biglang naramdaman ko.

Halos kalahating oras ata akong nag antay bago sila nakitang lumabas. Kapwa sila nag tatawanan at nawala lang ng makalapit na sa'kin. Ngumiti ako ng makitang wala ng suot na cast ang braso nya at mukhang naigagalaw na ng maayos iyon.

“Okay kana. ”Sambit ko.

“Oo, ang galing ata ng doctor nya. ” Pag mamalaki pa ni Dairinn saka kami sabay na natawa.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon