Chapter 30: Don't smile
Nangiwi ako pag pasok ko sa may pool dito sa gym. Ipinatong ko ang tumbler na nag lalaman ng tubig sa bench. Hindi ko naiwasang mapatunog ang sarili kong bibig ng maisip na bakit ko nga ba sinunod ang utos ni Ejhay ng sabihin nitong dalhan ko s'ya ng tubig gayong mas matanda ako sa kanya. Wala namang klase at wala rin naman akong gagawin kaya siguro ay napilitan narin akong gawin.
Umupo nalang ako sa edge at inilaylay ang paa ko sa tubig. Nangiwi pako ng maramdaman ang lamig nito sa balat ko.
Pinanood ko ang pag langoy ni Ejhay papalapit sa'kin.
Iniahot na nito ang mukha nya ng makarating sa harap ko. Naiwas ako ng iyugyog nya ang buhok nya at mag talsikan sa'kin ay ilang tubig.
“Aish! Nakakaasar ka. ” Reklamo ko dahil alam kong sinadya nya iyon. Tumawa ito bago nilamukos ang mukha.
Lumapit ito sa'kin. Pinanood ko s'yang kunin ang nakatuping towel sa gilid at ipatong iyon sa legs ko. Nailang ako nang makalimutang naka skirt pala ako at konting galaw lang ay pwede makita nya ang agh--
“Ang sweet talaga ng girlfriend ko, hindi ako natiis.”
Naiwas ang ng tingin ng makita ko ang katawan nya. Hindi ko alam na maipagmamalaki rin pala nito ang katawan nya.“I'm not your girlfriend Ejhay. I already in a relationship with Tristan. ” Ilang segundo lang itong nakatingin sa'kin bago nagawang ngumiti. Bagay na gusto ko kay Ejhay. Kahit kelan ay lagi nyang dala iyong ngiti niyang mabilis makahawa ng saya. Ngiting hindi nakakasawang titigan.
“Don't worry, I already accept the fact that I can't be yours. I just love to pretend that it can be...to torture myself.” Mahina itong tumawa.
“Tch. Ikaw talaga, andaming babae jan Ejhay. Andaming may gusto sa'yo. Imposibleng wala sa kanila ang tipo mo. Try to date one of them, malay mo ay mag work. ”
“I don't... I don't want you to be jealous..”
“Baliw ka talaga. Kelan ka ba talaga mag ma-mature, hah?”
“Nag matured na ako, matagal na... It just that, you don't have a time to notice it. ” Ngumuso ito.
“Hays...Life is really shit. I mean why we always fall for someone who can't love us back?.. Agh!”“Tch. Bakit kasi hindi ako ang unang ipinanganak saming dalawa ni Ate... Hindi sana nakaka batang kapatid lang ang turing mo sakin ngayon. ”Bakas sa mula nito ang pag ka dismaya.
“Ikaw talaga! ” Nahawak ito sa ulo nya ng batukan ko s'ya. dahilan ng pag kadistansya n'ya sa'kin.
“You should call me ate. Mas matanda ako sa'yo noh. ” Tumawa pa ako.“A-Aray! ” Awtomatikong nabalik ang paningin ko sa kanya ng marinig ang pag inda n'ya. Gano'n nalang kabilis umakyat ang kaba ko ng makita ang biglaang pag kunot ng noo nya. Nakahawak ito sa bandang dibdib nya pero dahil naka baon sa tubig ang kalahati ng katawan nya ay hindi ko alam ang tiyak na hinahawakan nya.
“E-Ejhay anong problema?” Kabadong tanong ko. Nakaramdam ako ng inis ng hindi sya mahawakan dahil narin sa distansya namin. Hindi ito sumasagot at sige lang sa pag inda sa sakit na hindi ko alam kung saan.
Sa sobrang pag aalala ay walang ano-anong lumusong ako sa tubig upang malapitan s'ya.
“E-Ejhay mag salita ka, anong masakit. ” Ngayon ay hawak ko na ang mukha nya.
Tumingin ito sa'kin bago ibinaba ang tingin sa may bandang dibdib. Pero dahil nga abot hanggang balikat nya ang tubig ay medyo blurd ang nakikita ko. Hinayaan ko nalang na unti-unting umangat ang kamay nyang kaninang nakahawak sa dibdib nya.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...