CHAPTER #31

806 14 0
                                    


Chapter 31: Yeobo




“Oooouchhhh.” Unang salitang nailabas ng bibig ko ng magising ang diwa ko kahit pa nanatiling naka pikit ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko at parang ninibiyak iyon.

Bakit ba sobrang sakit ng ulo ko--

Mabilis akong napa bangon ng maalala ang nangyari kagabe.

Si Tristan!

Inikot ko ang paningin sa paligid. Na pukpok ko ang sariling noo ng makitang nasa kwartong halos kulay pink ang makikita na naman ako. Sa kwarto ni Tristan.
Mabilis na tinignan ko ang suot ko at mas lalo pang nangiwi ng iba na nga ang suot ko. Aishts! Hindi nga panaginip ang nangyari kagabi.
Napayakap ako sa sarili kong mga tuhod.

Nakakahiya. Wala pa kaming isang linggo ni Tristan pero... pero--

“Good morning, Yeobo. ”
Mabilis na itinaklob ko ang kumot sa sarili at itinago ko ang mukha ko ng makita si Tristan na naka sandal na pala sa may pintuan.
Hindi ko napansin na pumasok na pala s'ya dahil sa pag iisip sa nangyari.

Narinig ko ang mahinang pag tawa niya dahil sa ginawa ko bago nag lakad papalapiti sa'kin. Inilapag nito ang tray na nag malaman ng breakfast sa side table bago tumabi sa'kin.  Kaya mas lalo kong itinago ang mukha ko ng kumot.

“Don't hide your face.” Natatawa paring sabi n'ya.

“A-Ayoko.” Nahihiyang sagot ko.
Naramdaman ko ang kamay nyang gumapang na sa likod ko.

But why?” Nang matanong nya iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng hiya kaya ako ang kusang dumistansya sa kanya na ipinag taka ng mukha n'ya

“Y-Yung... nangyari k-kagabi.” Hirap at nahihiyang tugon ko.
Unti-unti nawala ang mga ngiti nya hanggang sa sumeryoso na talaga ang mukha nya.

Naawang ang bibig ko hindi ko alam kung  pa'no s'ya titignan ng bigla ay ilapit nya ang mukha sa'kin.

“Bakit.. Ano bang nangyari kagabi.” Tanong nitong may nanunuyang  titig.

Bahagya ko s'yang naitulak dahil hindi ko na kayang titigan pa s'ya ng gano'n ka lapit.

Nahawak pa ako sa dibdib ko ng magawa ko na ngang maitulak s'ya na ikinatawa nya.

“A-Ano ka ba, 'wag mo nga akong tawanan. Grabe na ngang hiya ang nararamdaman ko eh. ”

Nanguso ako nang maalala na naman ang nangyari.

-  F  L  A  S  H  B  A  C  K  -

Halos dalawang oras narin kaming andito sa club. At dahil sa ilang beses na pag inom kanina ay medyo lang narin ako.

Ilang beses na akong pinigil ni Tristan sa pag inom pero twing hindi s'ya nakatingin ay pasimple akong umiinom. Dala narin nang inis. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa ilang babaeng tumitingin at lumalapit kay Tristan para ayain s'ya sa dance floor kahit pa nakikita nilang hawak na nito ang kamay ko. Tch!  Mga bulag ba ang mga 'to? 

Dinadagdagan pa ni Emjay dahil sa pagtawabg ginagawa kahit na alam nya nang naiinis na ako. 'Yan s'ya  eh. Hilig asarin ako kahit pa naiinis na'ko -_-

Pag si Yohand naman ang nilalapitan ay daig pa asawa kung mag claim at tabuyin ang lumalapit sa kanya.

Hinuha ko ulit ang baso at akmang iinom ng agawin n'ya iyon sa'kin.
“Sinabi ko nang wag ka nang uminom diba? ”
Napatunog ko nalang ang bibig ko bago nagawang irapan s'ya saka binitawan ang kamay nya.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon