CHAPTER #24

766 14 0
                                    


Chapter 24: Own me.






Nakangiti akong tumingin sa labas habang komportable'ng nakaupo sa upuan dito sa cafe habang inaantay si Tristan. Linggo ngayon at inaya ko s'yang lumabas. Alam ko lalaki ang karaniwang gumagawa nu'n pero hindi iyon importante sa'kin.

Hindi kasi akong pinatulog nu'ng nakaraang araw na tinawagan ko s'ya. Ang lamig nya at alam kong kasalanan ko iyon dahil pinili kong sumama sa bahay ni Diocel imbis na sa kanya. Kailangan kong bumawi.

Mabilis kong iniwagayway ang kamay ko nang makita ang pag pasok nya mula sa pinto. Simpleng Pink t-shirt, black ripped jean at puting sapatos lang ang suot nito ngunit nadala nya iyon nang maayos dahilan para maagaw nya ang atensyon ng ibang kababaihan na andito. May suot din s'yang salamin na mapareho ng salamin ni harry potter.

Dapat ay Pink Choi ang pangalan nya dahil sa sobrang hilig sa pink eh.

Ngumiti ako habang papalapit s'ya pero gano'n nalang ang pag tataka ko nang hindi nya iyon ginantihan na lagi namang n'yang ginagawa.

“Did I keep you waiting? ”
Simpleng tanong lang iyon pero damang dama ko ang napakalamig sa kanya.

“Hindi. ”
Ang totoo kay kanina pa nga ako dito. Masyado ata akong na excited na makita s'ya dahil isang araw ko ring hindi nasilayan ang mukha nya.

“Nahirapan kasi akong sumakay ng bus dahil punuan ngayong araw.” Paliwanag nya. Sinabihan ko kasi s'yang na mag commute nalang s'ya at wag na n'ya gamitin ang kotse nya.

Naiisip ko kasing mas matagal ko s'yang makakasama kung mag lalakad lang kami.

“Bakit mo nga pala naisipang ayain ako lumabas? ”
Saglit na nangunot ang noo ko dahil sa tila sarcastic na tono nya.

“A-Ah. Gusto lang sana kitang makasama ngayong araw. ”

“Hindi ba't halos araw-araw naman tayong mag kasama? Hindi ka ba nag sasawa? ”

Sawa? Hindi ba s'ya masayang kasama ako ngayon?

Pinilit kong ngumiti
“Hindi.”
Hindi nya ako sinagot at tumango nalang nang parang wala lang.

Hindi ko maiwasang mag taka sa mga ikinikilos nya.

--
Pag labas namin sa cafe ay inaya ko naman s'ya sa bagong bukas na food park ilang kanto lang mula sa cafe.

Tahimik lang kami habang nag lalakad. Ang totoo'y naninibago talaga ako sa kanya. Sanay akong pag mag kasama kami ay sweet s'ya, hahawakan n'ya nalang bigla ang kamay ko kahit pa maraming tao sa paligid. Pero ngayon, parang may bagay ang pumapagitna sa'min. Nakakapanibago at ang lamig.

Gusto ko s'yang tanungin kung bakit, kung galit ba s'ya sa'kin dahil sa nangyari nung nakaraang araw pero tila walang lakas ang mga labi kung ibuga iyon.

Nang makita ko na hindi kalayuan ang food park ay nanguso ako. Ang bilis naming nakarating dito. Akala ko pa naman ay kung mag lalakad kaming mag kasama ni Tristan ay babagal ang lahat. Hindi pala.

Sinikap kong sabayan ang mabilis na pag lalakad ni Trista. Inilaylay ko ang kamay ko at pilit idinikit sa nakalaylay nya ring kamay. Nag babakasali.

Tristan, Please hawakan mo ang kamay ko...
Hawakan mo lang kahit na pulsuan ko lang ay magiging okay na ako.
Hawakan mo na please...

Saglit na pinutal ako ng hininga nang makita ang pag angat ng kamay nya at isuksok iyon sa bulsa nya. Tuluyan na ngang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mawalan ng pag asa.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon