CHAPTER #48

556 11 3
                                    


Chapter 48: Letting go.




Lumipas ang dalawang araw ng hindi kami nag uusap ni Tristan, Gusto ko man s'yang kausapin ay hindi ko magawa dahil s'ya mismo ang umiiwas.

Ngayong araw ang ika-tatlong buwan ng relasyon namin. Dapat ay masaya ako ngayon, kaming dalawa pero wala.

Pinilit kong gawin abala ang sarili ko para hindi s'ya maisip pero hindi ko magawa. Hindi talaga s'ya mawaka sa isip ko.

Napatayo ako sa kama ko ng may maisip.

“I need to talk to him, pupuntahan ko s'ya. ” Saad ko sa sarili.

Mabilis na nag bihis ako. Hindi pwedeng hindi kami mag kaayos no Tristan. Kailangan ko s'yang puntahan.

Dali-dali akong tumakbo pababa. Pag bukas ko ng pinto ay nagitla ako ng ang dapat na pupunta ko ay nasa harap ko. Bakas din ang gulat sa mukha nya dahil akmang bubuksan nya ang pinto ng ako ang naunang gumagawa nu'n.

“Y-Yeobo. ” Nakangiting bungad nya may hawak itong bouquet ng bulaklak. Doon bumuhos ang saya sa dibdib ko. Agad na hinablot ko s'ya para yakapin ng napaka higpit.
Wala along pakielam kahit pa hindi na s'ya makahinga dahil ang mahalaga ay yakapin ko s'ya dahil sa sobrang mag ka miss ko sa kanya.

“Alam mo bang ikaw lang ang nasa isip ko ngayong araw?! Balak na nga kitang puntahan sa inyo eh... Nakakainis ka. ” Nahampas ko pa ang dibdib niya. Nangingilid narin ang luha sa mata ko.
“Ba't kasi iniiwasan mo'ko bigla, kung may problema ka sabihin mo sa'kin, ano pang naging girlfriend mo ako?” Ilang beses ko lang hinampas ang dibdib niya habang patuloy na ummiyak. Nahinto lang ako ng hawakan nya ang kamay ko. Nangingiting hinalikan nya ang noo ko.

“I'm sorry, I'm sorry for ignoring you.” Dama ko ang sinsero sa kanya. Pinunasan nya ang pisngi ko.

“Pasalamat ka, mahal kita. Sobrang mahal kita. ” Itinapan nya ang mukha ko sa mukha nya.

“Please, don't love me even more... I don't want you to lose yourself... ” Sambit nya na ikinatigil ng pag iyak ko. Pakiramdam ko ay may laman ang mga iyon. Hindi ko na s'ya nagawang sagutin pa.
“Sama ka sa'kin? ”

“Saan? ”

Ngumiti ito 
“You'll know if we get there. ”
Isiniksik nya ang mga daliri nya sa pagitan ng mga daliri ko.

Sumama na nga ako sa kanya. Ilang minuto lang naman ang biyahe bago kami pumasok sa isang private park.
Bumaba na kami ng maipark na nya ang sasakyan.

Nangiti ako ng makita ang magandang paligid. May malalaking posteng ilaw din ang nasa gilid habang nag lalakad kami. Hapon na kaya mas gumanda ang paligid.

Nahinto ako ng makita ang isang table set sa dulo nitong tinatahak namin. Mula dito ang kita ko na agad ang magandang kabuuhan nu'n.

Nabalin ako kay Tristan na nakangiti sa'kin.
“Ang ganda.. ”
Lalo pa s'yang nangiti sa sinabi ko bago inayos ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

“I know. ”
Ako naman ang nangiti dahil alam kung ako ang tinutukoy nya sa sagot nya.

Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko para hawakan ko na agad ko namang kinuha. Nag lakad na kami hanggang sa makapunta na nga doon. Ipinag hila nya oa ako ng upuan bago sya sunod na umupo.

Muli ko pang nilibot ang paligid dahil sa ganda nito.
Naibaba ko ang paningin ko sa paligid dahil may naka hain na doon.

Hindi naman na bago ang ganitong surprise sa'kin ni Tristan dahil simula naman naging kami ay lagi niyang ginagawang special ang araw na mag kasama kami.
Mabuti nalang pala at nag dress ako ngayon.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon