CHAPTER 74

590 13 2
                                    


Chapter 74:
Fake marriage.



Nang makauwi na kami ay pinatulog na muna ni Diocel si Anecia sa kwarto nito.

Bumaba rin s'ya at umupo sa couch. Ako naman ay tumayo para lumapit sa lamesa kung saan naroroon ang mga tsaa.

“Tulog na s'ya?”Tanong ko habang nag titimpla ng tsaa

“Yeah. She must tired.”Sagot nito.
Nakita kong kinuha niya ang phone n'ya na mukhang may nag text sa kanya. Nag type ito doon.

Bigla ay naala ko nanaman iyong mga sinabi n'ya kanina.

“Diocel?”

“Hhm.”

“Are you really thinking about marrying me?”

“Yeah.”
mabilis niyang sagot na hindi manlang ako magawang tignan at tanging sa hawak na phone nya. ikinasinghal ko iyon.

“I'm not asking you if you want tea, I'm asking you if you want to marry me.”
Pagkukumpirma ko dahil tila hindi niya ako naiintindihan. Nakita ko ang pag ngiti nya siguro dahil sa nasabi ko bago ibinaba ang hawak at tumingin sa'kin ng deretso.

“I know.”

Mahina lang akong nag pakawala ng malamig na hangin bago ibinaling ang paningin ko sa itinitimpla kong tsaa.

“I don't want a fake marriage.” Mahina lang ang pag kakasabi ko pero alam kong rinig nya.

Binalingan ko sya para makita ang ngiti niya.
“Then, you want a real one? We can do that either just for you.”
Tumayo s'ya at namalayan ko nalang na naupo na s'ya sa upuan sa lamesa sa harap ko.
“If you don't want to get divorced, you don't have to.”Deretso s'yang nakatingin sa'kin.

Nakangiti s'ya sa'kin. Hindi ko alam ang dapat na isagot. Hindi ko rin naman alam ang dapat sabihin. Naguguluhan na'ko.

“Pa'no si Vianna? ”Bigkas ng lumabas si Viana sa isip ko.

Ilang sandali s'yang napako sa mata ko bago nag iwas.

“What about her?  We're not in a relationship anyway.”

Inihinto ko ang pag titimpla at humarap sa kanya.
“Alam ko. At alam ko rin kung anong nararamdaman mo sa kanya.”
Nangiti lang s'ya na bahagyang umayos ng upo.

“My feelings toward her can be faded. Yeah. I loved her,  but I can let her go..”
Gusto ko s'yang batukan kung hindi ko lang nakita ang lungkot sa mga mata nya.  Alam kong hindi nya talaga kayang panindigan ang mga iyon.

Kinuha niya ang isnng tasa ng tsaa at humigop doon.

“ I can't marry you knowing that I'm not the one who owns your heart. Hindi ako ang mahal mo.”I sighed as I sit beside him.

“Minsan na kitang minahal, Audrey. Nabaliw pa nga ako sa'yo eh. You're my first love... Kaya kong ibalik 'yon. Kaya kong mahalin ka ulit, at mas mamahalin kita sa ginawa ko noon.”
Deretso itong nakatingin sa mga mata ko ng sabihin nya iyon.

Kahit nakaramdam ng pagkailang ay hindi ko parin nagawang mag iwas.

Gaya ng dati.  Ito na naman iyong sitwasyon na naguguluhan ako sa kanilang dalawa.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon