CHAPTER #47

555 7 0
                                    


Dedicated to @Jaejellybum


Chapter 47: Painful words not Sweet lies



Pag katapos ng meeting ay nag paalam narin kami sa mga co- officer namin ni Emjay. Pinag meetingan kasi iyong lugar na pupuntahan namin para sa retreat dahil malapit narin iyon bago ang graduation.

“Oh. Saan ka pupunta? ”Tanong ko ng pumasok sa palikong daan si Emjay. Taka nya naman akong tinignan.

“Sa court.  Andon si Yohand, nanunuod.  May laro si Tristan diba? Hindi nya sinabi sa'yo.”
Nanlaki ang mga mata ko. Nagitla ako pero hindi ko iyon ipinahata.

“Huh? Ah! oo nga pala. Nakalimutan ko. Tara.”Nag pauna akong nag lakad. Umiiwas sa tingin ni Emjay na mula pa noong isang araw nag tataka sa nangyayari samin ni Tristan.
Ang totoo'y ilang araw nang hindi ko makausap ng matino si Tristan. Bumalik na naman iyong pagiging malamig nya. Kaya siguro kahit itong laro nya ay hindi nya nagawang sabihin sa'kin.

Pag punta namin doon ay agad na lumapit kami ng makita si Yohand na naka upo at hawak ang kulay pulang mahabang plastic na may pangalan ng team name nila Tristan. Nangiti ako dahil panay sigaw nya para i-cheer ang kapatid.
Umupo na kamibsa vacant seats na itinabi na pala n'ya.

Pag kaupo ko ay agad na nakarinig ako ng mga ilang babaeng sumisigaw ng pangalan ni Tristan. Meron din sa mismong likod ko.

Nangiti ako ng pumasok ang hawak na bola kanina ni Tristan.

"Whooah! Ang galing nya talaga. ”

“Bakit ba kasi ngayon lang s'ya naging member ng team na yan? "

“Dalawa na silang magaling ng captain na si Diocel. ”

“Pareho pang gwapo yyyiiiee. ”

Rinig ko natutuwang reaksyon ng naka likod ko.
Pano pa kaya kung sumali pa si Yohand. Sayang lang dahil sobrang busy na s'ya at hindi na kayang mag varsity pa.

Gusto kong mag cheer para kay Tristan kaya lang may humahanflang sa'kin na baka hindi nya naman iyon magustuhan.

Ngayon ay hawak na ni Diocel ang bola at dini-dribble na ito.  Sumenyas na s'ya sa mga kakampi n'ya na isa isa namang nag takbuhan habang binabantayan ng kalaban nila.

Habang dini-dribble n'ya ang bola ang nagawa ang paningin nya sa lugar namin dahilan para mag tama ang paningin.  Hindi ko alam kung paano nag tagal ng ilang segundo ang pag titinginan na iyon bago ako ang kusang umiwas at bumalin sa iba. Huli na ng tignan ko si Tristan na kanina pa pala nakatingin sa'kin. Nakita ko ang pag ngisi n'ya. At alam kung hindi nya gusto ang nakita nya.

Nag simula na silang mag agawan sa bilang hawak ni Diocel. Nagitla ako ng bigla ay nakuha ni Tristan ang bola kahit pa hindi naman iyon pinapasa sa kanya. Kita mula rito ang pag tataka sa mukha ni Diocel pati narin sa ibang ka team nila.

Akala ko ay matatapos na doon iyon pero habang tumatagal ang oras ng pag lalaro ay ilang ulit kong nakikita kung paano nasisiko at natatamaan ni Tristan si Diocel. Alam ko namang basketball iyon at natural lang ang sakitan pero sa nakikita ko ay hindi lang basta aksidente iyon dahil bakas sa mukha ni Tristan ang inis--galit.

“Anong problema ni Tristan, hindi ba't mag kakampi sila ni Diocel? ”Takang tanong ni Emjay.  Hindi lang pala ako ang nakakahala sa nangyayari.

“Hindi naman s'ya ganyan kanina... Pansin ko ni ayaw nya pa nga makadikitan yan si Diocel kanina. ” Sagot ni Yohand na ibinaba na ang hawak nya marahil ay nangawit narin.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon