CHAPTER #55

608 12 0
                                    

Chapter 55:
Don't come back




Graduation song ang pumalibot sa buong quadrangle ng University na s'yang pinag sasaluhan ng mga estudyanteng suot-suot ang kanilang mga itim na toga. Mag kahalong kaba at saya ang namamayani sa bawat isa dahil sa nakapa importanteng araw na ito para sa kanila.
Dito na tuluyang mag wawakas ang buhay nila bilang estudyante at tuluyan ng ipagpapatuloy ang kanilang mga pangarap.

Isa-isa nang tinatawag ang mga pangalan ng iba para ibigay na ang diploma ng mga ito.

Ang iba'y nag babahagi ng mga nais nilang sabihin patungkol sa mga naging karanasan nila sa University. Pero tila lutang at nabibingi ang dalaga si Audrey para bigyan pa ng pansin ang mga iyon.

Panay lang ang sulyap nya sa bakanting upuan na sana'y si Tristan ang nakaupo.

Nasa gonoong sitwasyon lang s'ya hanggang sa tawagin na ang pangalan nya.  Tipid na ngiti lang ang dala-dala nya ng umakyat para kunin ang diploma nya. Wala ang magulang nito para isabit sa kanya ang mga nakuhang medalya kaya usa sa mga guro ang gumagaw nu'n. Naiintindihan naman nito dahil dati pa nasabi sa kanya ng ina ang naging problema sa business nila sa canada at dalawang taon pa bago magagawang makauwi ng magulang nya.
Kaunting bagay at pag papasalamat lang ang nagawa niyang sabihin bago muling bumaba. 

Hanggang sa matapos ang okasyon ay hindi nya magawang itago ang lungkot.

May mga taong lumalapit para mag pakuha ng litrato kasama s'ya at ang iba ay binabati s'ya ginagantihan naman nya ang mga ito.

"Besiiiieeeeeeee!!!! "
Malayo palang ay nabibingi na ang tainga nya sa pagtawag sa kanya ng kaibigan.  Mabilis na yumakao ito sa kanya ng makalapit.
"Wuuuaaaahhh!!!  Nakapag tapos na tayoooo! Hindi ako makapaniwala. Parang ang bilis lang ng apat na taon. "

"Parang hindi mo pa tanggap na grumaduate ka ah. " Pagbibiro nito.

"Ano kaba. "
Nangiwi ang dalaga ng hampasin nito ang braso nya.
"Syempre, Alam ko namang gagraduate ako noh. Kahit papano'y nag focus naman ako sa studies noh. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang bilis lang." Humawak pa ito sa dalawang pisngi niya.
"So, Tara? "

Nangunot ang noo ng dalaga.
"Saan."

"Ano kaba? Wala ka na talagang alam sa earth? Gosh. Besiee paba kita?" Pakunwaring sinuri nya pa ang kaibigan. Nailing nalang s Audrey.
"May walwalan mamaya after the graduation. Wooooaah!  Magiging masaya 'to. Tamang tama wala sina mom at dad para pag bawalan ako. "
Pareho ni Audrey ay wala rin ang parents ni Emjay ngayon.

"Kahit naman anjan sila, hindi parin nila mapipigilan ang pasaway nilang panganay noh. " Pang babara nito. Lumawak lang ang ngiti ni Emjay na hinawi pa ang pina kulot nitong buhok papunta sa likod.

"Of course, ang anak ata nila ay si Emjay Herixx Cruz. Nyahahha! "
Napairap nalang si Audrey dahil sa kadaldalan ng kaibigan.

"Sige, sasama ako mamaya, pero teka pupunta lang akong comfort room, sama ka?" Alok pa niya pero umiling lang ito.

"May babatiin lang ako saglit doon. " turo nito kay Ellickson na dati narin n'yang naging crush.

"Umayos ka, may boyfriend kana. " Natatawang pag papaalala ng kaibigan.

"Babatiin ko lang naman, si Yohand parin ang baby love honey bunny ko forever. " Pagbibiro pa nito bago tumawa saka kumaway ng tumakbo na.
Naiiling na tumalikod nalang si Audrey at nag umpisa ng maglakad.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon