CHAPTER #52

556 13 0
                                    


Chapter 52: Help



Tumingin ako sa repleksyon ko mula sa salamin. Inayos ko pa ang suot ko gano'n narin ang buhok ko. Makapal ang pag kakalagay ko sa lipstick ko ma sinadya ko at bumagay naman sa'kin.
Simpleng off-shoulder na naka tack in sa maong skirt ko. Puting sapatos ang isinuot ko na alam kong bagay sa suot ko. Kinuha ko narin ang I.D ko at marahang sinuot iyon.

Ngayong araw ang retreat namin sa Tagaytay. Dalawang araw kami doon.

Nabalin ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwal si Emjay.

Naawang ang bibig n'ya ng makita ang suot ko.
“Wuuaahh! Mag besie talaga talaga tayo.” Agad na lumapit s'ya para yakapin ako.
Gaya ko kasi ay off-shoulder rin ang suot nya na pinaresan ng boack skirt. Hindi naman kami nag usap. Siguro ay talaga in ang ganitong outfit ngayon.

Kumalas na ito sa'kin.

“So, what kind of mask you gonna wear today?  Wait. Refer ko yung 'Fake smile mo. Gad!  That mask looks good on you.”Pinamilugan nya pa ako ng mata na animo'y talagang nag papayo s'ya.

“Besie,  Hindi ka ba napapagod na asarin ako? ”

Ilang segundo nya akong tinignan bago kunwaring napaisip
“Actually..... Hindi.”
Natawa nalang ako sa kanya.

Bago umupo sa kama ko at muling ayusin ang gamit ko kahit pa naayos ko na iyon ng ilang beses kanina. Pakiramdam ko kasi palagi ay may nakakalimutan akong dalhin kaya kahit nakakapagod ay inaayos ko iyon ulit.

Idadag pa tuwing maiisip ko na makakasama namin si Tristan ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko.

Nakapag isip narin ako na 'wag na s'yang habulin pa. At kung sakali man na makita ko s'ya y magkunwari nalang na walang nakikita. Tuloy ko narin ito sa sarili ko dahil ano pa nga ba ang dahilan ng pag habol sa kanya kung ayaw nya na. Nag mumukha lang akong tanga. Lalo pa't sa kanya lang ako nagka ganito.

Umupo s'ya sa kabilang side ng kama.
“Pa'no pag nag kita kayo mamaya?”

Nahinto ako sa ginagawa sa tanong nya.
“Hindi naman na maiiwasan iyon. Makikita't makikita ko s'ya. ” Saglit akong bumalin sa kanya.
“At pag nakikita ko s'ya, nasasaktan lang ako. ” Yumuko ako.
“...And I don't deserve to be in this pain. ”
Naramdaman ko ang kamay niyang inayos ang buhok ko. Iniangat ko ang paningin ko sa kanya para makita s'yang ngumiti ng sarcastic.

Mahagya s'yang lumapit para ayusin ang buhok ko.
“But you chose it, dear. So technically, you deserve it.” Mabilis na nahampas ko ang kamay niya dahil sa inis. Nairapan ko pa s'ya ngunit natawa lang s'ya.

Kahit kelan talaga ang taong 'to.

Pag punta namin sa kanyang University ay saktong andoon na ang mga bus na sasakyan namin.

Pinasakay na kami doon.  Mabuti nalang at hindi naka alphabet set-up at malaya kaming maging magkatabi ni Emjay. Akoang nasa katabi ng bintana dahil alam naman niya na mahiluhin ako.

Pagawi na sana ang paningin ko sa bintana ng makuha ng pinto ang paningin ko ng pumasok mula roon si Tristan. Kasama namin s'ya dito sa bus. Naka suot s'ya ng itim na hoodie na may white t-shirt pa sa loob at kulay pink na cap.

Akala ko'y ako ang itinuro ni Alex sa kanya. Iyon pala ay ang vacant seats sa likod namin. Hanggang sa tuluyan na nga silang lumapit doon. Si Tristan ang naunang umupo at sa may bintana din s'ya gaya ko dahil nakita ko iyon sa gilid ng mata ko. Nice.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon