CHAPTER #22

907 19 1
                                    


Chapter 22: Don't go with him.


Pasunod na ako kila Audrey at Tristan sa school ground. May pina gawa kasi sa'kin si Sir kaya pinauna ko na ang dalawang iyon.

Pag kalabas ko sa building ay hindi paman ako na kakalayo dun nang.

"Emjay!!" Agad akong lumingon sa lalaking tumawag sa'kin. Nangiti ako nang makita si Ellickson. Masaya itong tumakbo palapit sa'kin.

Bahagya kong inayos ang natitirang nakalaylay na na buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Matagal na naming kakilala ito ni Audrey. Aaminin kong minsan na akong nag kagusto dito kay Ellickson, Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa kanya bukod sa gwapo na ay matalino pa.

"Buti nalang at nakita kita, pupuntahan sana kita sa room mo eh. " hinihingal pa na paliwanag nito na ikinataka ko.

"B-Bakit mo'ko pupuntahan sa room ko? " hindi ko maitago ang pag kataka sa mukha ko kaya siguro sya ngumiti. Umayos pa ito ng tayo bago hinaplos ang buhok ko.

"Because I misses you."
Sandali ata akong inagawan ng hininga sa mga oras na iyon.

"A-Ako na miss mo? " nanlaki pa ang mata ko at tila sinisigurado kung tama ba ang naririnig ko.

"Oo nga, Actually kayo ni Audrey, madalang ko nalang kasi kayo nakikita. Nakakamiss nung mga panahong mag makasama pa tayo, naging busy na kasi tayo hanggang sa bigla nalang.. Wala na. " Paliwanag nya na mukhang inaalala pa ang dating samahan namin

HRM ang course namin ni Audrey at BSBA naman ang kay Ellickson pero kahit na magkaiba ang building namin ay nagagawa parin namin makapag sama-sama kahit papaano nu'n bago tuluyang naging abala ang lahat.

Nangiti rin ako nang maalala ang pag sasama namin noon. S'ya ang unang lalaki na naging kaibigan namin ni Audrey bago dumating si Diocel.

"Oo nga eh. Nakaka miss nga, lalo na yung pang lilibre mo sa'min." Sabay kaming natawa

"Ellickson!! "
Nabalin ang atensyon namin sa lalaking tumawag sa kanya ilang hakbang ang layo muka sa'min
"Ano pa bang ginagawa mo jan? Saka na pang liligaw, may presentation pa tayong dapat tapusin hindi ba? Tara na."

Nakita ko ang pag iling nito at gumawa ng guhit sa ilong nya.
"Oo nga pala nakalimutan ko. Sige Emjay I need to go I'm sorry. "

Tumango nalang ako at ngumiti
"Okay lang ano kaba, sige na. Bye"
Hindi na s'ya sumagot bagkus ngumiti nalang at kumaway habang patakbo.

Kumaway na ako para mag paalam habang nakangiti pero nawala rin iyon ng humarang si Yohand sa harap ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya.

"Anong ini-ngingiti ngiti mo jan? " inis na bulyaw nya.

"Tch. Anong paki mo?"

"Y-Ya! A-Ayusin mo yang mga mata mo ah! dudukutin ko yan! Aish! May pa cute-eyes cute-eyes ka pang nalalaman kala mo naman maganda!"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya

"Ano nga kasing paki mo? Gusto mo sa harap mo lang ako mag pa cute? "

"Oo sa harap ko lang! Don't you dare smile to other guy again arasseo?! "
Gusto ko mang tumawa dahil para syang bata sa mga oras na to ay pinilit kong iseryoso ang mukha ko.

"Pano kung ayaw ko? Ikaw nga jan kung sino sino kinakausap mong babae may nalalaman ka pang woman hater--tch! Mukha mo. "

"Kasalanan ko bang maging gwapo?-- Y-Ya! Aya! " hindi nya natapos ang sinasabi ng hampasin ko sya sa braso.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon