CHAPTER #29

762 14 1
                                    


Chapter 29:  Who?




Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses akong luminga sa bakanteng upuan ni Tristan. Pangatlong subject na namin ito ngayong araw at hindi s'ya pumasok.
Tinanong ko na si Yohand pero hindi nya rin daw alam. Pag gising nya daw ay wala na iyon sa kwarto.

Hindi ko na nga naiintindihan ang lecture namin dahil panay s'ya nalang ang naiisip ko.

Patago kong inilabas ang phone ko. Nag baka sakaling may naiwang message doon galing sa kanya ngunit gano'n nalang ang dismaya ko ng makitang wala.
Tch. Paano n'yang nagawang hindi manlang kahit na mag text sa'kin. Asan na ba kasi ang isang 'yon? 

I hate that I still waiting for him even I know he didn't thinking about me.

“Aray!! ” Nahawak ako sa noo ko ng may tumama rito ng matigas na bagay.
Nagitla ako ng halos lahat ng kaklase ko ay sa'kin nakatingin. Miski si Sir na kanina ay nag susulat ay naka taas ang kilay sa'kin.

“S-Sorry. ” Nahihiyang paumanhin ko sa kanila ilang ulit pa akong yumuko sa kanila bago sila bumalik sa mga ginagawa nila.

Naibaba ko ang paningin ko at doon nakita ang pambura na s'yang ibinato sa'kin. Gano'n nalang nangiwi ko ng makitang ang pambura nayon ay pag mamay-ari ni Emjay.

Inis akong tumingin sa kanya upang makita s'yang pigil na pigil sa pagtawa. Kung batuin ko kaya 'to ng ballpen? Agh. Besie talaga.

Nang matapos ang time ni Sir ay lumabas narin kami at nag tungo sa locker area.

“Miss ko na s'ya. ” Wala sa sariling sambit ko ng mabuksan ang locker at ibalik dun ang libro ko.

“Miss ka ba? ” Pang aasar ni Besie ng sumandal sa gilid ko. Nangiwi ako dahilan ng pag halakhak n'ya. Natigil lang s'ya ng ibato ko sa kanya ang bag ko'ng mabilis rin naman nyang nasalo

“Aray, naman besie. Pambura lang 'yong binato ko sayo kanina. Ba't bag naman ginanti mo. Sakit ah. ” Sa oras na 'to ay ako naman ang natawa. Nilock ko na muli ang locker ko bago nya iabot ang bag ko.

Naglakad na kami
“Tingin mo, asan kaya ngayon si Tristan? Diba nga dapat ay masaya s'ya dahil kayo na? ”
Kami na nga ba? 
Naikwento ko narin sa kanya ang nangyari samin ni Tristan kahapon.

“Ewan ko ba sa isang 'yon. Ni hindi manlang naisip na i-text manlang ako para lang hindi ako mag alala. ”

“Baka may importanteng bagay na pinuntahan.. Or should I say tao. ”Iyon na naman ang nakakainis nyang ngiti.

Tao? 
Sino nga ba ang taong dapat nyang puntahan? 

“Si Krisha! ” Mahinang sigaw ko na itinuro pa ang mukha ni Emjay.

Naalala ko. S'ya yong dahilan kaya ako tinalikuran nalang ni Tristan kahapon.

I need to talk to her.

“T-Teka Besie. ” Hindi ko na s'ya pinakinggan at hinayaan ang mga paa kong maglakad.

Nahinto ako ng makarating sa quadrangle kasama nito ang ilan sa mga kaibigan nya.

Nahinto sila sa pag ku-kuwentuhan ng mapansin na nakatayo na ako sa gilid nila. Napa ayos ako ng tayo ng makaramdam ng ilang sa mga matang nag tatakang nakatingin sa'kin.
Naramdaman ko ang kamay ni Emjay na pumulupot sa braso ko. Bulong pa ito sa'kin na wag akong gagawa ng eksena dito. Napairap nalang ako dahil hindi ko naman ugali iyon.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon