Chapter 61: It's been 5 years
Inayos ko na ang suot ko. Sinadya ko talaga kaaya-aya ang suot ko dahil ngayong araw ang unang araw ko sa bagong pag tatrabahuan ko.Dalawang linggo narin kasi ng makuha ako bilang assistant chef dito sa Luxury car company. Inirekomenda kasi ako ng dating pinag tatrabahuhan at mapalad na nakuha agad dahil maganda naman daw ang naging background ko.
Mabuti nalang at tulog pa si Anecia ng umalis ako. Nandon naman si Manang para alagaan s'ya pag gising nya.
Pag karating ko ay mabilis na napukaw ng paningin ko ang pangalan ng napakalaking building na ngayon ay pag tatrabahuan ko na.
Empire Corp.
Hindi naman na bago sa'kin ito dahil nga sa sobrang angat na ng kompanyang ito mula pa noon ay kilala ko na ito minsan ko na ring ninais na makapagtrabaho dito at ngayon nga ay andito na'ko.Nung una ay akala ko talaga ay tuluyan nang mag sasara ito dahil isang taon narin ang nakakalipas ng mag karoon ng malaking problema ito. Hindi ko alam kung paanong nakaahon muli ito at mas lalong umangat pa. Siguro'y gano'n talaga kagaling ang taong pumalit bilang CEO.
Nag buga ako ng hangin at ngumiti bago pumasok.
Pag pasok ko sa storage room dahil doon ako unang pinapunta ay doon ko nakita ang damit na gagamitin ko. May naka print narin doon na pangalan ko. Nangiti ako at hindi na nga aksaya ng oras para mag tungo sa locker room at suutin iyon.
Pag kabihis ko ay agad na nag tungo na ako sa kitche. Nag tanong panga ako sa babaeng announcer nasa side station lang kung nasan ang kitchen.
Pag pasok ko doon ay agad na bumungad sa'kin ang isang babae at isang lalaki--
“Ay, te. Anditey na ang bagong assistant chef--ay oh! Ang ganda ni ate mong girl parang mas bagay s'yang boss.” Bungad nito sa'kin.
Mali pala ako. Dahil dalawang babae pala silang andito. Kaya nga lang iyong isa ay girl in heart haha.“Hellooo. Audrey Perez right...I'm Bernadette.” Sambit noong isa na inilahad ang kamay sa'kin.
“Yeah. Nice to meet you.” Nahihiyang saad ko bago kinuha ang kamay niya.
“Yyiiiee. Ang ganda pala ng magiging bagong assistant chef natin.” Masayang niyugyog nya ang kamay ko na. Ngumiti naman ako para maitago ang pag kahiya ko.
“Ako naman si Kelly. 'Wit mo nang itanong ang truelalu kong pangalan girl nakamamatay.” Natawa ako dahil sa kung paano mag salita itong si Kelly. Halos lahat na ata ng gaya nya ay ganyan. Pakiramdam ko tuloy ay si Emjay ang nasa harap ko dahil mahilig rin iyon mag salita ng beki language.
__________________________________
A/N: Wit po sa beki language ay 'Wag.
__________________________________
“K-Kayo lang ang mga taong andito? ” Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil mukhang tatlo labg kami dito.
“Hhm. bale apat tayo, si Head chef pa. Ipinatawag lang saglit ng Director. ” Paliwanag ni Bernadette. Muli akong tumango.
Malaki itong kitchen at bawat gamit ay nakaayos. Nakalagay sa dapat lang napag lagyan.
“Ang organize lahat ng gamit ano, wala kang makikitang kahit na konting dumi. ” Kalabit sa'kin ni Kelly kaya nabalin ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...