Chapter 18: She's back.
Naglalakad na ako papuntang bus stop. Pasok sa coding ang service ko kaya hindi ako mahahatid ni manong paulo. Si Mom naman ay wala na pag gising ko kaya hindi rin ako nakasabay sa kanya.
Patawid na sana ako ng pedestrian line nang may mag busina'ng kotse at huminto sa harap ko.
Pinag masdan ko pa ang kabuuhan ng kulay itim na kotse na iyon pero hindi ko talaga maalalang nakita ko na iyon gamit ng mga kakilala ko.
Sa wakas ay bumukas na ang bintana nito at laking gulat ko nang makita kung sino ang tao sa loob."Hi Audrey! Long time no see." bati nya nang tanggalin nya ang suot na sunglass.
"Dairinn!!" Hindi ko na naitago ang pagkagulat ngunit natawa lang ito.
Sinenyasan nya ako na pumasok. Ilang segundo pa muna bago ko iyon sinunod. Pag kapasok ko ang naka tunganga lang ako sa mukha nya na tila ba hindi makapaniwalang makita sya ulit.
"Wag mo'ng kabisaduhin ang parte ng mukha ko Audrey, mahihirapan ka. " mahina itong tumawa bago pinaandar na ang kotse nya.
"Aren't you going to say you miss me? Didn't you missed me, did you? ""Of course I've missed you, Dairinn. We're friends and... and it's been two years since we saw each other. "
Mahaba na ang dating maikling buhok nya ngunit ngayon ay kulay brown na ito na mas lalo pang bumagay sa dati nang magandang mukha nya."Eh bakit parang naiilang kana sa'kin."Mahina muli syang natawa
"Is it because of what happened between you and Diocel?"Oh god!
Si Dairinn ang nakakatandang kapatid ni Diocel. Naging kaibigan ko na s'ya nu'ng mga panahong magkaibigan lang rin kami ng kapatid nya.
Dalawang taon lang naman ang agwat nya mula sa'min kaya nakasanayan na namin ni Emjay ang hindi pag tawag sa kanya ng ate. Nasa 1st college pa s'ya noon nang ma accelerate s'ya dahil narin sa angkin n'yang talino kaya't napabilis ang graduate nya.Mayroon sariling hospital ang pamilya nya sa korea pero umalis s'ya para mag aral sa US para mapataas pa ang kaalaman tungkol sa medisina.
Nasa pamilya na ata nila ang pang gagamot.Kung titignan s'ya ngayon ay halos walang nag bago sa kanya. Kagaya parin s'ya ng dati. Sa totoo lang ay mas mukha pa nga s'yang bata kumpara sa amin ni Emjay. Kung hindi ko nga lang sila kilala ni Diocel ay pag kakamalan ko'ng s'ya ang bunso sa kanilang dalawa. Sobrang ganda nya.
[ A/N: Si Dairinn po ang yung nasa Multi-media ]
"H-Hindi ka tumawag na babalik ka na pala. " pag iiba ko sa usapan.
"Well...surprise!" Tumingin pa s'ya sa'kin saglit bago humarap muli sa daan.
"Actually, Diocel didn't know that I'm arrived...You're the first one who know that I'm here. ""What! "
"Good news! Dito na ulit ako maninirahan...dito ko na rin balak mag work."
"T-Talaga?!"
Masaya akong malaman na dito na muli s'ya maninirahan. At alam ko'ng kahit pati si Emjay ay sobrang matutuwa pag nagkita na sila.Naramdaman ko ang pag hinto ng kotse kaya't naibalin ko ang paningin ko sa paligid nang makita ko na nasa parking lot na pala kami ng University.
* THIRD PERSON POV *
Binabaybay na ni Viana ang daan papunta sa room nila. Nang may marinig s'yang ingay malapit sa papasukan nyang pasilyo.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...