Chapter 49: Beg.
Hindi ko alam kung pa'nong nakapag lakad patapos ng nangyari. Hanggang ngayon sariwa parin sa'kin lahat ng binitiwang salita ni Tristan kasabay ang pag asa ng sana hindi nalang ito totoo lahat.
Wala akong pakielam sa nga taong napapatingin sa'kin dahil sa pag iyak ko. Hindi ko ito kayang labanan dahil sobrang sakit.
Nahinto ako ng makita ang isang pamilyar na pares ng sapatos sa harap ko. Iniaangat ko ang paningin ko upang makita si Diocel at ang mabilis pag kangunot ng noo nya ng makitang umiiyak ako.
“A-Audrey, what happened?!” Bungad nito ng makalapit sa'kin.
Ilang segundo ko siyang tinignan. Gustong mag salita, gusto kong ilabas sa kanya lahat ng sakit pero mas malakas ang luha ko na siyang nag papatikom sa bibig ko.
Namalayan ko naman ang sarili kong hinablot ang suot nyang sweater at mahigpit s'yang niyakap.
THIRD PERSON POV
Ilang araw na ang lumipas mula mangyari iyon sa pagitan nila Tristan, Audrey at Diocel.Nasa court ang binatang si Tristan para mag practice. Inutusan siya ng coach na mag isa munang mag dribble habang ang ibang mga kasamahan ay nanunuod lang. May ilang estudyante din ang andon para sumuporta. Pati narin ang nakakatandang kapatid ni Diocel na si Dairinn. Dinalaw kasi nito ang kapatid pero hindi nya ito doon inabutan bagkus si Tristan ang nakita.
Kahit wala sa wisyo ay nagawa paring mag laro ng binata. Ilang beses na nga n'yang nadismaya ang coach dahil sa ilang beses na hindi pag shoot ng bola kahit pa madali lang namanoara sa kanya na gawin iyon
“Oh andito na pala si Captain eh. ” Saad ni Alex na isa sa team mate nila. Itinaas pa nito ang kamay para makipag apir dito pero hindi siya nito pinansin at nilagpasan lang na ikinataka nya.
Nagawi ang paningin ni Tristan upang tamad na tignan si Diocel na palakad palapit sa kanya. Sa isang iglap ay napadausos sya sa sahig ng bigla ang bigyan siya nito ng malakas na suntok.
“Gago ka! ” sigaw nito at mababakas ang sobrang galit. Agad na hinawakan siya ng ibang kasama para pigilan
“Bitawan n'yo ako, papasabugin ko ang mukha ng gagong 'to! ” Pilit siyang kumalas sa pag kakahawak ng mga ito pero hindi magawa.Natawa si Tristan bago tumayo na para bang hindi nasuntok. Pinunsan nito ang ngayon ay nag dudugo nyang labi.
“Tristan! Diocel ano bang problema mo! ” Gulat na sigaw ni Dairinn ng magawang makatakbo papalapit sa dalawa.
“Gosh! You're bleeding. ” Mabilis na umakyat ang pag aalala rito.“Ang tigas ng mukha mong paiyakin s'ya! Sino ka para gawin 'yon huh! ” Sigaw pa ni Diocel na ikinatawa na nito.
“Talaga Diocel? Susugurin mo ako dito because of that? 'E hindi ba't ginawa mo rin iyon sa kanya? Ikaw ang unang nag paiyak sa kanya... Kaya ko nga siya nakilala eh. ” Tumawa ito. Si Diocel naman ay natikom dahil totoo ang nasabi nito. Matapos tumawa ay sumeryoso din ang mukha nito.
“Pareho lang tayo, pareho lang natin siyang sinaktan at pinaiyak kaya wag kang umarti na ikaw ang bayani dito.” Walang expression ang mga mata nito bago tumalikod at nag lakad pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...