CHAPTER 2: "The Academy"

2K 33 1
                                    



Blue Nightfelt


Lunes na ng umaga at ito ang araw na mag-e-enrol daw kami sa academy. Ngunit dahil tinatamad pa ako, nandito pa rin ako sa kwarto ko at nagsa-soundtrip. Ayoko pa talagang bumangon eh, hindi naman tatakbo ang academy.


I can hear the pattering sound outside my door. I tried ignoring it and just volume up my receiver, I'm actually not wearing my earphones. But the knocking never stopped until someone spoke.


"Kuya? Kuya Asul? Gising na d'yan, mag-aalmusal na po!"dinig kong sigaw ni Daladan.


Hay nako, wala talagang katahimikan sa bahay na 'to. Ang daming makukulit.


"Oo na, susunod na," walang ganang tugon ko.

Muli siyang nagsalita nang pasigaw, "Bilisan mo po kuya nang makapunta na tayo sa academy!"

"Oo nga, papalabas na!" I yelled back, though I lied 'cause I'm still lying on my bed. I'm not exhausted, just feeling lazy.

"Weh? Mukhang 'di ka pa nga bumabangon eh?"


Ang kulit-kulit talaga nito, ayaw paawat eh. Minsan talaga ang sarap sakalin nitong mga kapatid ko. Kung pwede lang sana.


"ORAAAAAANGE!!!"

"O, napano ka Ate Pula?"

"Gising na ba si kuya??"

"Oo, pero ayaw pang lumabas eh."

"Gano'n? Edi pasukin natin!"


Nagsigawan pa talaga. Kahit nakikinig ako ng musika ay nangingibabaw pa rin mga boses nila. Ngunit bigla rin silang natahimik, baka umalis na? Whatever.

Akala ko ay nasialisan na. Maya-maya pa ay nakapasok nga sila sa kwarto ko gamit ang teleportation power ni Dalandan at ang hindi ko inaasahan ay sa akin pala sila babagsak.


"KUYAAAAAA!!" both of them yelled as they fell on me.

"Ahhhhhhhhh!!! F*** s***!!!" Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Ang sakit kaya!

"Hey kuya, that's bad and kind of offensive!" Pinagsabihan pa ako nitong lokong bunso namin, kasalanan din naman nila.

Umiinit na ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up! Umalis nga kayo sa kama ko!"


Nag-teleport nga kasi sila at sa akin mismo bumagsak! Kaasar talaga. Nang gumalaw ako ay agad tumayo si Pula upang makalayo sa akin. Patawa-tawa pa, tss. I threw a kick on my brother but he dodged it. He quickly jumped and rolled on the floor before he stood up, wearing a smug face.


"OUT OF MY ROOM, NOW!" matigas na utos ko sa kanila habang nakaturo ang isang kamay sa direksyon ng pinto.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon