****At Royal Magicca Domain****
Lady Savannah
Dito sa isang pribadong silid ng Archaic Palace, kasama ko ang aking asawa na si Lord Hellgod. Kaharap namin ang dalawa sa pinagkakatiwalaang tauhan ng Darkreighn, sina Glacier at Glimmer Mayhem. Kararating lamang nila kanina.
Ipinadala kasi namin sila para sa isang mahalagang misyon. Iyon ay ang halughugin ang Gardellia upang mahagilap ang mga nawawalang royalties mula rito sa Magicca. Ngayon nga ay ipinapaliwanag nila ang mga nangyari sa pagpunta nila sa lupaing iyon.
"Ganoon pala ang nangyari," wika ng asawa ko matapos magpaliwanag ni Glacier. Sumeryoso lalo ang mukha niya at tila malalim ang iniisip.
"Gano'n na nga po Master. Humihingi ako ng tawad dahil sa aming pagkukulang kaya natakasan kami ng mga kalaban," turan ng binatang si Glacier. Bahagya pa siyang yumuko.
"Huwag kayong mag-alala, nagawa n'yo pa rin naman ang misyon. Ngayon ay alam na nating wala na nga sila roon."
Sumabat na ako sa usapan, "Ngunit maaari ring pumunta sila sa palasyo ng Gardellia at doon nagsipagtago. Kailangan natin silang ipahanap doon."
"Huwag kang mag-alala Savannah, darating din tayo d'yan. Sa ngayon, sapat na muna ang impormasyong nakalap natin. Mahusay Glacier at Glimmer."
"Ginagawa lang po namin ang aming tungkulin Master."
Lumapit sa akin ang binata at iniabot niya ang isang sisidlan na naglalaman ng makapangyarihang mga nilalang na alam kong nakatulong sa kanila.
"Salamat sa pagpapahiram n'yan Masters, malaki ang naitulong nila sa amin."
Umiling lamang ako at ibinalik ito. "Hindi n'yo na kailangang isauli iyan, Lord Glacier. Dahil nagawa ninyo nang maayos ang misyon n'yo, ibinibigay ko na ng tuluyan ang bagay na iyan sa inyo, baka matulungan pa kayo niyan sa susunod."
"Maraming salamat, Lady Savannah, iingatan po namin ito," nakangiting tugon ni Glimmer.
Ngumiti na rin ako at tinanguhan sila. "Walang ano man. Gamitin ninyo iyan kung kinakailangan. Ang lakas ng kapangyarihan n'yan ay nagmula pa sa cursed sacred book ni Magicca na kasalukuyang nasa amin."
Napatango naman si Glacier. "Kahanga-hanga po talaga ang kapangyarihang tinataglay n'yan Master. Walang katulad."
"Nakamamangha ang mga kaya nitong gawin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito ginamit ng mga Magiccans noong nasa kamay pa nila ito," wika ni Glimmer. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Marahil ay hindi sila ganoon kabihasa sa paggamit ng kapangyarihan ng libro. Maaaring sa kanila nga iyon ipinamana noon, pero hindi ibig sabihin no'n ay sila lamang ang may kakayahang gamitin ito."
Marahan lamang na tumango ang magkapatid sa akin, tanda ng kanilang pagsang-ayon. Hindi nga kami nagkamali sa kanila dahil talaga namang maaasahan sila palagi.
"Sige na, maaari muna kayong bumalik ngayon sa Darkreighn," utos ni Hellgod sa kanila.
"Wala na po kayong ipag-uutos, Master Hellgod?"
"Sa ngayon ay wala pa young lord, maghintay lamang kayo. Pakisabi na rin sa apat n'yo pang kasamahan na ipatatawag lang namin kayo sa susunod na may misyon."
"Naiintindihan ko po, Lord Hellgod."
Nabaling ang tingin ko kay Lady Glimmer at pansin kong tila may gusto siyang sabihin sa amin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...