CHAPTER 78: "End of her"

167 6 0
                                    



Alodia Heartstream 


I looked around for my comrades, one by one. I can see it, they're all worn-out. If this will continue, we won't stand a chance. Malaking parte na ng kapangyarihan namin ang aming nagamit sa laban. Ngunit hindi rin kami pwedeng tumigil. Magkakamatayan na ngunit hindi kami susuko kay Savannah. Hanggang saan ba talaga ang abot ng kapangyarihan niya? May mga natitira pang nilalang na mga sagabal.

Nagpakawala si Savannah ng ice magic sa paligid at gumamit din ito ng sound vibration na talaga namang nakabibingi. Si Orange lamang ang hindi naapektuhan kaya't sinugod niya agad ang babae. Nag-teleport siya papunta sa kalaban at gumamit din ng sariling ice magic. Alerto din naman ang bruha at nakapag-teleport sa likuran niya. Hinuli ni Savannah si Orange at ngayo'y hinahawakan ng mahigpit ang mga pakpak nito.


"Dalandan!!" sigaw ng kambal.

"Bitiwan mo ako Savannah!" Pilit nagpupumiglas si Orange sa mga kamay niyo ngunit hindi siya makawala.

Nakangisi ito sa amin ngunit nanlilisik ang mga mata. "Now young ones! Watch and learn on how I teach this stubborn lad, an unforgettable lesson!"


Binalot niya ng paper charm si Orange kaya hindi ito makagalaw nang maayos. Matapos iyon ay bigla silang naglaho. Nag-teleport si Savannah pabalik sa lupa habang dala-dala pa rin si Orange.


I got petrified and my eyes widened when I realized what she's up to. "Wag mong gawin 'yan!"

"Too late young lady..."


Bigla na lamang nawala si Savannah. Sa isang iglap ay nagkaroon ng napakalakas na pagsabog na gumimbal sa amin. Napasinghap ako sa takot at pangamba. Pakiramdam ko ay tila bumagal ang oras at lahat kami ng mga kaibigan ko ay nakatulala lamang sa nasaksihan. Hindi ito maaari.


Umalingawngaw ang sigaw ng magkakapatid. "Orange!!!"


Nawasak ang area na sinabugan. Agad kaming napatakbo rito matapos ang pagsabog at nakita namin si Orange na walang malay na nakabulagta at tila wala nang buhay. Nilapitan kaagad ito nina Vie at Scar, sumunod din naman ako. Saglit akong napalingon kay Blue na nakatitig lamang at tulala.


"Tsk tsk tsk, poor kid..." That evil witch is just grinning while watching over us, and our friend who suffered. She's a real demon.

"Savannah..."

"Blue," tawag sa kaniya ni Emme ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. His face became emotionless.

"Hold on, he's still breathing." Napalingon naman ako kay Healer na ngayo'y nasa tabi ni Orange.

"His heartbeat is still there. Dalandan... I can still cure him," naiiyak na wika ni Vie.

"I'm really gonna kill that witch," mahinang sambit ni Zeus, ngunit may bahid ng poot ang bawat salita nito.

"I can't take this anymore, I will destroy her. Humanda ka Savannah!"

"Scarlet!"


Hindi niya na ako pinakinggan dahil mabilis siyang kumilos. She transformed into a fierce, giant wolf! Hindi siya nag-atubiling sumugod kay Savannah na ilang metro rin ang distansya mula sa amin. Si Violet naman ay sinisimulan na ang panggagamot, sa tulong din ni Healer. Matindi ang sugat na tinamo ni Orange, mabuti na lamang at humihinga pa siya. Ang buong akala ko rin ay hindi siya nakaligtas. Malamang ay nabalot niya ng element aura niya kanina ang kaniyang sarili.


"Ube, Kuya Heal, kayo muna ang bahala kay Dalandan. I'll take this fight now."

His twin nodded and replied, "Ingat ka Asul, protektahan mo si Pula!"

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon