CHAPTER 79: "Elemeights versus Hellgod"

181 8 0
                                    



Zeus Erudite 


Pinapanood ko ngayon si Vie habang ginagamot ang kakambal niya na malalim ang tinamong sugat kanina. Ngunit bigla siyang tumigil at pansin kong humihingal siya. Nanghihina na siya ngayon kaya inalalayan ko siya.


"Vie, that's enough for now, you're tired."

"I need to cure my brother, Zeus."

"Ayos na ako Ube, save your element aura for later. You know what I mean," makahulugang wika ni Blue.

"Of course, he's still somewhere."


Tumayo na kami ni Vie habang inaalalayan namin si Blue sa magkabilang braso nito. Mukhang okay na rin naman siya. Nakikita ko naman sa 'di kalayuan sina Sab, Flare, Rye at Mia. Kasama rin nila sina Kuya Healer, nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas din sila. Nagkatinginan kaming tatlo at nilapitan namin si Daphny na ngayon ay tumutulo pa rin ang mga luha. Naglaho na lamang na parang bula ang kaniyang ina.


"Daphny, nalulungkot kami para sa iyo pero... kailangan naming gawin iyon. Muntik niya nang mapaslang si Dalandan, si Emme at si Asul. Patawad sa nagawa namin sa iyong ina, Daphny."


Ramdam ko ang lungkot at simpatya ni Vie sa kaniya, ngunit may katwiran siya. Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na mawala ang mga katulad ni Savannah. Umiiyak pa rin si Daphny ngunit umiling ito at ngumiti ng malungkot kay Vie.


"Alam ko na sa simula pa lang na may posibilidad na mangyari ito, kaya naihanda ko na ang sarili ko pero... masakit pa rin talagang isipin."

"Pinili niyang maging masama kaya't ito ang kinahantungan ng lahat. Patawad Daphny," mahinang wika ni Blue.

"Sa kabila ng lahat, humihingi rin ako ng tawad," dugtong ko naman. Sa kabila ng nangyari, kaibigan pa rin namin si Daphny. Isa siyang Knight Blood at bahagi na siya ng buhay naming lahat, sila ni Shieldron.


Mas lalong napahagulhol si Daphny kaya niyakap na lamang ito ni Shieldron. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon upang magluksa dahil ang tunay na kaaway ay nagluluksa rin. Alam kong kamumuhian niya kami lalo ngayon...


Lord Hellgod 


Pakiramdam ko ngayon ay tinutusok ng libo-libong karayom ang buong katawan ko, isang bahagi ng aking katauhan ang naglaho. Savannah... Hindi ito maaari... Natalo nila ang asawa ko? Imposible... Paano?!

Ang buong akala ko ay sapat ang lakas na ibinibigay sa amin ng librong ito, ngunit bakit?! Kung ganoon, ito pala ang gusto nila at wala silang balak na sumuko. Talagang mahirap silang tibagin. Pinapahanga nila ako. Ngunit hindi ko sila mapapatawad sa kalapastanganang ginawa nila!

Kung mawawala man lamang ako sa mundong ito, dapat siguro ay unahin ko na ang librong ito nang sa gano'n hindi na nila ito mapakikinabangan...


Blue Nightfelt 


Nagulantang kami nang makitang bumulusok ang apoy mula itaas ng Archaic Palace. Kumalat ito sa labas ng palasyo at alam kong may isang nilalang na kumukontrol nito. Ramdam ko ang bangis nito, ang kaniyang poot.


"Si Hellgod."

"Sigurado 'yan Asul."

Pinunasan ni Daphny ang kaniyang mga luha at tumingin sa akin. "Sige na, magmadali na kayo at pigilan ninyo si Ama. Kayo lamang ang may kakayahang kontrahin ang sinumpang libro."

"Sang-ayon ako. Kailangang maisagawa na ninyo ang kailangan n'yong gawin. Kung ano man iyon, nakasalalay sa inyo ang lahat," paalala ni Shieldron sa amin.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon