Cherrybelle Netherfield
Kani-kanina lamang ay nagpaalam ako kina Ate Alodia na mananatili ako rito sa labas upang magbantay. Ganoon din si Miracle, na ngayon ay nakatago lang sa mataas na puno at nagmamatyag sa paligid. Ilang metro lamang ang layo ng tree house mula rito sa puwesto ko.
Maya-maya pa ay may narinig akong nag-uusap kaya agad akong gumamit ng size-changer ability upang makapagtago nang maayos. May nakikita akong babae at lalake, sa tantsa ko ay kasing-edad ko lamang sila. Papunta sila sa direksyon ng tree house kaya naman, dahan-dahan ko rin silang sinundan.
Hindi nila ako napapansin dahil sa liit ko ngayon. Sa hitsura nila ay mukhang mga trained element users din sila katulad namin. Napahinto naman sila nang makita ang tree house.
"May mga naninirahan pala talaga sa gubat na ito. May tree house pa nga," wika ng lalake.
"Kailangan nating alamin kung sinu-sino ang mga nakatira d'yan," tugon naman ng babaeng kasama nito.
May naisip ako bigla kaya't nagtago muli ako sa isang puno. Gamit ang metamorphosis ay nag-transform ako bilang isang walong taong gulang na version ko. Bumalik na rin ako sa aking normal na laki at saka umalis sa pagtatago.
"Sandali lang po!"
Napalingon sila nang marinig ang boses ko. Nagkatinginan pa sila nang may pagtataka sa reaksyon nila. "Isang batang babae? Sa gubat?" kunot-noong tanong ng babae.
"Ah, hi! Bakit ka nandito bata at ano'ng pangalan mo?"
I looked straight into his eyes as I replied, "Ba't ko sasabihin? Hindi ko naman kayo kakilala? Sino po ba kayo?"
Napakamot naman sa batok ang lalake. "Ah, ano, pasensya na bata. Ako nga pala si Vex, at ito naman ang kaibigan kong si Glimmer."
"Ikaw, sino ka?" wika ng babaeng nagngangalang Glimmer. Mukha siyang mataray, nagsalubong pa ang mga kilay niya. Tsk.
"Ang pangalan ko ay Belle at d'yan ako nakatira sa tree house na iyan. May kailangan po ba kayo? Naliligaw po ba kayo sa gubat?"
"Ah, nako hindi. Naglilibot lang kami rito," nakangiting tugon nitong si Vex.
"Sinu-sino ang mga kasama mo riyan? Mga magulang mo? Kapatid?" sunod-sunod na tanong pa ng babae. Talagang mausisa siya, nagdududa na ako sa mga pinagsasabi nila.
"Wala na akong mga magulang, mga kapatid ko lang ang kasama ko r'yan. Matagal na kami rito. Kayo po, ano po ba talaga ang ginagawa ninyo sa lugar na ito?"
Nag-aalangan man ay sumagot pa rin ang lalake, "Ah, may hinahanap lang kasi kami."
"Sino po?"
"Mga taong kailangang hulihin," matigas na sagot ng babae.
Hindi sinasadya ay nakita ko ang isang simbolo sa kasuotan nila. Sinasabi na nga ba, hindi sila mapagkakatiwalaan. It's confirmed.
"Saan po ba kayo nanggaling?"
"Ah wala, d'yan lang sa kung saan."
"Hindi mo na kailangang malaman bata."
"Talaga po? Ang simbolo na 'yan, hindi po ba iyan ang simbolo ng Darkreighn?"
Napatingin sila sa itinuro ko at saka ako binalingan. Huli kayo, mga kaaway.
"Sabihin mo, sino ka ba talaga? At bakit alam mo ito?" tanong ng babae. Mukhang nagdududa siya lalo at tumatalim ang kaniyang pagkakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...