Third Person's P.O.V
Maagang gumising si Prinsesa Arabella sa kadahilanang nasasabik siya na bumisita sa Royal Magicca Academy. Nananatili siya ngayon at ang iba pang royal visitors sa Royal Magicca Palace.
Tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin ng school uniform katulad ng mga estudyante sa academy. Balak niya talagang umalis nang mag-isa. Tatakasan niya ang kaniyang kuya at ang matalik nitong kaibigan na si Grey Maverick, anak ng isang Clan Master mula sa Gardellia.
Hindi naman sa ayaw niya kay Grey. Sa katunayan ay malapit nga siya sa lalake at madalas niya itong nakakasama sa kanilang kaharian. Ang binata kasi ay inatasan ng mga magulang ng prinsesa na maging bantay nito. Ngunit gusto niya talagang gumala sa Magicca nang walang bantay.
Bago siya umalis sa kaniyang silid ay nag-iwan siya ng mensahe sa isang papel upang hindi na rin magtaka ang mga magulang o ang kapatid niya.
Dahan-dahan ngunit alisto ang pagkilos niya habang papaalis sa kaniyang silid at halos hindi marinig ang kaniyang mga yapak. Wala pang masyadong gumagala sapagkat alas singko pa lamang ng umaga.
Maya-maya pa ay gumamit na siya ng extra-ability na "size-changer", na kung saan ay kaya siya nitong paliitin at pabalikin muli sa normal na laki niya. Sa liit niya ngayon ay mas lalo siyang hindi mahahalata. Nang makarating na siya malapit sa isang balkonahe, agad siyang gumamit ng telekenesis ability upang makalutang at nang makalabas na siya sa palasyo.
Ang una niyang binalak ay tatakas mula sa kaniyang silid. Ngunit nagkataon na wala itong malaking bintana o kahit maliit man lamang na veranda. Napunta kasi siya sa kwartong nakapuwesto sa gitna at napaliligiran ng iba pang silid.
Nagtagumpay nga siyang makalabas ng palasyo at sa mismong gate nito. Napadpad siya malapit sa maraming halaman at dito siya bumalik sa dati niyang anyo. Lumawak ang kaniyang ngiti at saka ibinato sa hangin ang kanang kamay niya na nakakuyom.
Sumigaw siya, "Yes! Nakalabas din ako!"
"Yes! Nakalabas ka nga."
Natigilan siya at napapikit nang marinig ang boses na iyon. Hinanap niya kaagad kung saan ito nagmumula at kung tama ang hinala niya. Natagpuan niya nga ito, sa itaas ng puno.
Napalunok siya at nanlalaki ang mga mata. Nakaawang nang bahagya ang bibig niya habang nakaangat ang ulo at tinitingnan ang lalake."Grey?! Bakit ka nandito sa labas?"
"Di ba't ikaw ang dapat na tinatanong ko n'yan, kamahalan? Bakit nandito ka na sa labas ng ganito kaaga?"
Hindi agad nakasagot ang prinsesa. Ngumuso lamang ito na tila nagmamakaawa ang mga mata. Bumaba na rin si Grey mula sa puno. Umayos ito nang tindig saka muling tinitigan ang prinsesa na umiwas naman ng tingin sa kaniya at nakanguso pa rin.
"O, ano'ng reaksyon 'yan?"
"U-uy, Grey, 'wag mo naman akong isumbong! Minsan lang naman ito eh. Tutal nandito ka naman at nahuli mo na ako, edi..."
Binitin nito ang sasabihin sana saka humakbang palapit kay Grey. Nginisihan niya ito sabay sabing, "Samahan mo na lang akong gumala. Game?"
"May choice pa ba ako? Hindi naman kita pwedeng pabayaan na gumala rito. Isa ka pa ring PRINSESA," madiing tugon ng binata na hindi mawala-wala ang seryosong mga tingin.
Lumiwanag ang mukha ng dalaga at napatalon siya sa tuwa. Pabigla siyang kumapit sa isang braso ni Grey. "Yey! C'mon, you need to escort me starting now."
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...