Violet Nightfelt
Lumipas na ang ilang buwan at sa wakas, graduate na kami ng Senior Level! Next time ay nasa Mastery High na ang Elemeights.
Hay, ang bilis talaga ng panahon. Iyon nga lang, sa Royal Gardellia Kingdom na kami mag-aaral at dalawang taon din 'yon! Hayyy... No choice kami, gano'n talaga. Napag-usapan na namin iyon kasama ang aming mga magulang.
Nakalilito man ang lahat at naguguluhan pa rin ako sa desisyon nilang iyon, pinipili ko na lamang na intindihin sila.
Back to the academy. Dito kasi sa school ay mayroong twelve sections ang Senior Level at apat dito ay Star Sections. Bawat Star Section ay may maximum of 32 students lang na pwede, may standard kasi ito.
Kinakailangan ay mahusay kami both in academic and extra-curricular activities, like our capabilities in using our elements and extra-abilities. Kaming Elemeights nga ay nasa Star Section-A. Mayroon ding exams para malaman kung pwede ba ang isang estudyante sa Star Sections.
Bago ko rin makalimutan, again, pasok muli sa Final Top 20 ng mga graduates ang buong Elemeights. Ang astig talaga! Woohoo! At ang Rank #1? Tentenenen...
No other than my twin brother, Blue Nightfelt!
Grabe ang tagisan nila ni Zeus sa huling performance exam namin. Parehas din silang may matataas na marka sa academics. Ngunit nanguna talaga si Asul sa huli, kaya si Zeus Erudite a.k.a Mr. Kidlat ang Rank #2.
Rank #3 naman ang best friend kong si Emerald Evergreen! Pinakamataas ang marka niya sa academics pero dinaig siya nina Asul at Zeus sa performance finale. Matinding kalaban ang dalawang 'yon. Haha!
Syempre, ako naman, happy na akong nasa Rank #4. Yey! Hehe..
Masaya na ako sa ganoon. Ibinigay ko naman ang lahat ng makakaya ko pero talagang mas mahuhusay silang tatlo and I'm happy for them.
Kung sino ang Rank # 5? Walang iba kung hindi si Shieldron Hawkeland! Dinaig niya ang aking cousin na si Saber Hoarfrost na siyang Rank #6 at Rank #7 naman ang kaniyang twin sister na si Rhythmia Hoarfrost.
Pasok din at nasa Rank #8 si Cherrybelle Netherfield. Akalain mo nga naman. Well, I admit, may angking husay at talino rin siya. Maldita at inggitera nga lang.
Ang Rank #9 ay kaklase din nina Shieldron. Si Daphny Blitz naman ay nasa Rank #10, ang galing niya rin! At syempre, si Flareena Starlight ay Rank #11 habang ang matalik niyang kaibigan na si Ryeine Clamour ay Rank #12.
I'm proud of myself and I am so proud with my friends. Solid talaga sa ranking ang Elemeights!
Mamayang gabi na nga pala ang Royal Graduation Ball sa academy kaya last week pa lamang ay matinding paghahanda na ang ginawa namin. Mamayang ala sais pa naman ito magsisimula.
Ang buong Elemeight Boys ay magkakasama ngayon, kasali pati sina Kuya Healer, Dalandan, at si Blaster. Boys hang-out daw eh. May nalalaman pa talaga silang ganoon. Bahala sila. Kaya naman, nagkasundo rin kaming mga girls na dito na sa mansyon manatili habang naghahanda para sa ball.
Nagtapos na nga pala sa Mastery High sina Kuya Healer at Ate Alodia kaya ganap na silang mga Senior Masters. Ipinagmamalaki ko talaga sila bilang mga kaibigan. Rank #1 lang naman si Kuya Healer at Rank #2 si Ate Alodia. Ang galing-galing nila, match na match talaga!
Ang younger sister ko naman na si Pula ay moving to Third Stage na sa Senior Level next school year. Habang ang aming bunsong si Dalandan ay g-um-raduate na sa Eighth Grade niya sa Junior Level and next time, he's gonna be on the First Stage, Senior Level.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...