Blue Nightfelt
Nandito pa rin kami ngayon sa itaas ng talon at halos gumapang na sa lupa. Pasilip-silip kami sa mga nilalang na nasa ibaba. Isa sa mga ito ang nag-angat ng tingin sa direksyon namin kaya agad kaming nagtago.
"Ano naman ang ginagawa ng mga creatures na 'yan dito?"
Saber answered, "Baka sinusundan tayo Flare."
Napalingon sa kaniya si Mia. "Mukhang tayo nga ang pakay nila."
"Paano ba nila tayo nahanap?" naguguluhang tanong pa ni Rye.
"Malakas yata ang pang-amoy," seryosong wika ni Ube habang sumisilip sa baba.
"Bwisit, sino ba ang nagpadala n'yan?" pasinghal na anas pa ni Zeus. Sinu-sino pa nga ba ang may gawa? Tss.
"Baka nagmumula nga sila sa Darkreighn."
"Tama ka Emme. Ang mabuti pa ay mag-teleport na tayo nang makaalis na tayo sa lugar na ito."
"Mabuti pa nga Blue."
Akmang tatayo na kami nang may marinig na ingay sa likuran. Parang may lumagapak na isang malaking bagay. Natigilan kami at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Emme sa kamay ko.
Dahan-dahan namin itong nilingon. Isang halimaw nga ang kaharap na namin ngayon. Nanlilisik ang mga mata nitong kulay pula at nakaawang ang bibig kaya kitang-kita ang matatalim nitong pangil. Bigla na lamang itong lumipad at saka gumawa ng malakas na ungol.
Dahan-dahan kaming napapaatras ngayon. "Lagot na, mukhang nagtawag pa."
"Guys?" wika ni Rye na halatang kinakabahan na.
Biglang napasigaw si Flare, "Nagtakbuhan na sila at nag-aakyatan papunta rito ang iba!"
"Ang daming lumilipad, mga sampo!" wika ni Mia sabay turo sa ere. Napamura ako nang makita ang nagliliparang mga itim na halimaw.
Zeus shouted, "Get ready to fight Elemeights!"
Ngayon ay nasa battle mode na kaming lahat at naka-element transformation. Naglabas na rin kami ng kanya-kanyang mga sandata namin. Weapon-changer ako kaya't nagagamit ko ang kahit anong sandata na gustuhin ko. Ang hawak ko ngayon ay isang spear.
Sumusugod na ang mga halimaw kaya't nagkanya-kanya na rin kami ng pag-atake sa kanila. Mukhang matatagalan na naman kami rito. Kaasar!
Lady Jameica
Mula rito sa mataas na bahagi ng isang lugar kung saan ay tanaw ang Royal Fanthasha Village, malayo kong pinagmamasdan ang lawak ng area nito.
Ako ang inatasan ni Lord Hellgod na pamunuan ang paglusob dito. Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay tila masyadong tahimik ang buong lugar. Tanging ihip ng hangin at huni ng dumaraang mga ibon ang nangingibabaw.
Mukhang inaabangan yata nila ang aming pagdating. May mga kasamahan ako at dala-dala ko rin ang isang maliit na sisidlang ibinigay ni Lady Savannah. Makatutulong daw ito sa amin.
"Lady Jameica, ito na ang tamang panahon."
"Alam ko, humanda na kayo."
Binuksan ko ang maliit na tube at kinagulat ko ang napakalakas na puwersang lumabas mula rito. Lumaganap sa paligid ang maiitim na usok. Maya-maya pa ay nabuo mula rito ang mga malalaking nilalang. These are black and fierce dragons! Gumawa ito ng ingay sa paligid. Ibang klase talaga ang kapangyarihang taglay ng isinumpang libro.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...