Violet Nightfelt
Woohoo! We are here in the middle of nowhere, somewhere in the jungle again. Yeah! Well, nandito na naman kami sa gilid ng rumaragasang tubig at naglalakbay. Sinusundan namin ang ilog upang mapuntahan lang magandang waterfalls na minsan na naming nakita ni Zeus. Hindi kasi kami nag-teleport. Trip eh.
Biglang napatanong si Flare, "Vie, malayo pa ba?" Halata sa pananalita niyang naiinip na siya.
"Basta, malapit na tayo ro'n sa tagpuan ng dalawang ilog. Karugtong na iyon ng talon."
"Wait, 'yan na ba iyon?"
"Yes Mia, ang nagtatagpong ilog. Malapit na tayo!"
Patakbo kaming lumapit sa tagpuan ng ilog. "Mas malaki na nga ang pinag-isang tubig," sabi pa ni Emme.
Napatanong naman si Sab, "Saang lugar naman kaya papunta ang pinagmulan ng isa?"
"Sa susunod, iyan na naman ang puntahan natin," suhestiyon pa ni Rye, sabay turo sa isang ilog na patungo naman sa ibang direksyon.
"Tayo na, puntahan na natin ang talon na sinasabi mo Ube nang makauwi na tayo kaagad."
"Uuwi kaagad Asul? Sige na, tara na!"
"Let's go, keep moving," Zeus uttered.
We straggled for just a few minutes until we reached the edge of the huge river. "Tsaran! We're here Elemeights!"
"Whoa!" namamanghang wika ni Saber.
"Wow ang laki!" sigaw naman ni Flare.
"Wala akong masabi," mahinang wika ni Mia, ngunit nakangiti itong nagmamasid sa magandang tanawin."I like the view from here."
"Same Rye, it's beautiful!" pagsang-ayon pa ni Emme.
"Amazing place." Napatango naman ako sa sinabi ni Asul.
"Mukha ring walang katao-tao," ani Zeus.
"I told you guys, you'll love this place. So, bumaba na tayo?"
They all agreed so we went down the waterfalls. Maganda talaga ang lugar na ito at ang lakas ng bagsak ng tubig mula sa talon. Sariwa pa ang kalikasan at ang ganda sa paningin ng halos luntian lahat na kulay nito. Nang makababa na ay agad kaming nagtampisaw sa tubig, well except for Zeus, Blue and Mia na mukhang trip munang mag-sightseeing. Mga KJ!
Maya-maya pa ay pinagtulungan namin nina Flare at Emme na hilain si Mia upang isama sa pagtalon namin sa tubig. Wala na siyang nagawa kung hindi ang makisali sa amin. Matagal-tagal din kaming nanatili hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na rin.
"Hindi bale, may next time pa naman."
Ngumiti si Emme. "Right best friend, let's go?"
"Let's not walk, I'll use my teleportation."
"Okay Sabbie!"
Altogether we compressed, and in just one blink, we disappeared from that beautiful place. In the next few moments, we're already outside our tree house, our hidden home in here. We need to relax from time to time, masyado nang maraming nangyari. Sooner or later, we're gonna leave this place and move on to our next adventure that might lead us to our enemies...
****At Royal Magicca Domain****
Lady Savannah
"Matatapang sila. Hinahamon ba nila ang kakayahan natin?" Batid ko ang galit sa bawat salitang binitawan niya ngunit nananatili siyang kalmado.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...