CHAPTER 45: "Journey to find"

91 4 0
                                    



Grey Maverick 


Nandito na naman ako ngayon sa magubat na bundok, malapit sa kuweba na tinutuluyan ng Elemeights. Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay kanina pa ako rito pero hindi ko namataan ang presensya ng kahit sino sa kanila.

So, I decided to go nearer for a better access of spying. Of course, I need to use my teleportation to go nearby the cave. Again, I waited for minutes but none of them came out or into the place. Something must be happening.

Matagal ko na kasi silang sinusundan, simula pa noong araw na umalis sila sa palasyo. Ito ang kahilingan nina Prince Heather at Princess Arabella sa akin. Nag-aalala kasi sila sa kanilang mga kaibigan kaya't pinasundan na lamang nila sa akin. Halos araw-araw ay pinupuntahan ko sila, patago nga lang.

Masama ang kutob ko rito. Sa ganitong oras ay madalas silang lumalabas, lalo na lima sa kanila. Sa napapansin ko kasi ay sina Saber, Emerald at Rhythmia ang madalang gumala.

Napalipat-lipat ako ng puwesto hanggang sa mapunta sa isang mataas na puno na malapit talaga sa kuweba. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid at napakunot-noo ako nang may mapansin. Maraming nakakalat na mga bitak ng lupa, parang dinaanan ng kung ano man.

Umalis na ako sa puno at lumipat sa ibaba saka tumakbo papalapit sa mismong kuweba. Napahinto ako nang maging malinaw sa paningin ko ang mga bakas.

Bakit ganito? May mga marka rin sa lupa na parang gawa ng matatalim na kuko at malalaking mga paa. Mukhang may labanan na naganap dito sa pagitan ng tao at kung ano mang mabangis na mga nilalang. Mas lalong dapat akong maging alerto.

Inilabas ko ang aking personal magic weapon. Katulad ni Saber, gumagamit din ako ng double-blade sword na pwedeng paghiwalayin upang maging dalawang espada.

Hindi na ako nag-atubiling pumasok sa cave at nadatnan ko na magulo at makalat na sa loob, parang dinaanan ng bagyo. Dumiretso lamang ako at sa bawat madadaanan ko ay marami pa ring mga bitak ng lupa. May mga bahagi ng kuweba na nawasak.

Medyo madilim man ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsuong. Nakarating naman ako sa dulo ng lagusan. Sa aking paglabas, mas magulo ang hitsura na naabutan. Batid kong may matinding labanan na naganap. May mga nawasak na area, lalo na itong lagusan, halatang pinasabog. May mga palatandaan din ng malahalimaw na nilalang.

Ngayon ay sigurado na ako na sinugod sila rito at malamang ay tumakas na sa kung saan mang lugar. Maaari ring nahuli sila o pinaslang na. Huwag naman sana.

Agad ay nag-teleport ako pabalik sa entrance ng cave. Gagamitin ko naman ang aking cloning ability kung saan ay maaari kong paramihin ang sarili ko ng hanggang anim.

Kaharap ko na nga ang aking limang clones. Alam na nila ang kanilang gagawin kaya agad ay umalis sila at nag-teleport patungo sa iba't ibang parte ng gubat. Nagbabakasakali ako na nandito pa sila.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay bumalik na rin ang aking clones. Bigo sila na mahanap ang Elemeights o ang mga kalaban. Bumalik na rin ako kaagad sa Royal Gardellia Kingdom upang ipaalam ang mga natuklasan ko.


"Ano? Wala na talaga sila roon?"

"Hindi ito maaari."  

 

Ito ang naging bungad sa akin ng magkapatid na Ara at Heather matapos kong ipaliwanag ang aking mga nakita. Maging ang mga magulang nila ay nandito.


I continued, "Nilibot ko ang lugar ngunit wala na sila. Nagkasira-sira na sa loob at labas ng kuweba. Halatang sinugod nga sila roon ng hindi ko matukoy na nilalang."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon