CHAPTER 44: "Somewhere in the forest"

87 4 0
                                    



Someone's P.O.V 


On a deep forest somewhere in Fanthasha Land, behind a huge, enticing and rushing waterfalls, lies a secret cave where I lived for more than a year. Of course, I'm not leaving alone in here. I'm with two people, one is a close friend and the other one, I don't even know if I can call her as an affiliate or what.

May pagkamasungit kasi, medyo maarte pa at ang gulong kausap. Parang gusto ko tuloy pagsisihan kung bakit isinama ko pa siya sa paglisan noon.


"Bakit nandito ka na? Ang aga pa ah?"


Napalingon ako nang marinig ang boses niya. Isang tipid na ngiti ang isinukli ko. Mabuti siyang kaibigan, napagkamalan nga lang na masama ng iba.


"Wala, nagpapahangin lang. Hindi na ako makatulog eh. Ikaw, ba't ang aga mong gumising?"

Umiling siya at naglakad papalapit sa akin. "Wala naman, hindi na rin ako makatulog eh."


Umupo siya sa tabi ko at isinandal ang ulo niya sa kanang balikat ko. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno malapit lamang sa talon. Inakbayan ko siya upang maibsan ang panlalamig na dulot ng hangin. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa amin.


Maya-maya pa ay tinanong ko siya, "Nasaan siya?"

"Tulog pa 'yon."


I sighed deeply and closed my eyes. Naramdaman ko ang kaniyang paggalaw at inialis ang pagkakasandal ng ulo niya. Sa muling pagdilat ko ay nagtama ang tingin namin.


"Ano'ng iniisip mo?"

"Iniisip ko kung hanggang kailan tayo sa sitwasyong ito. Matagal-tagal na rin kasi tayong nandito."

"Wag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Magtiwala lang tayo."


Ngumiti siya sa akin kaya kahit papaano ay napapangiti na rin ako. Mula noong mga bata pa kami ay madalas ko na siyang kasama. Minsan, kahit kargado ako ng sama ng loob at pag-aalala, isang ngiti niya lang ay napapawi lahat ng iyon.

We were just staring at each other for a moment and then, slowly, our face are getting nearer and nearer 'till our lips finally closed the gap between us. The moment is almost perfect and enchanting, until someone interrupted.


"Wow, how sweet of you. Tss..."


Our lips parted and we both glanced at the lady who spoke, with her tone full of sarcasm. I flaunted my usual cold stare again.


"Why do you care?" I asked her.

Sumama ang tingin niya sa akin at pinagkrus niya ang kaniyang mga braso. "What? Of course I don't care. Do whatever you want to do."

I smirked and sarcastically replied, "Tsk, naiinggit ka lang siguro binibini."

"Of course not! Geez!" singhal niya pa saka ako inirapan. Ano ba'ng problema ng babaeng ito?

"O, awat na, tama na 'yan. Tayo-tayo na nga lang dito tapos mag-aaway pa kayo?"

Pinaikutan muli ako ng mata nitong babaeng masungit na puro sama ng loob ang dala. "Yeah right, kausapin mo 'yang isa d'yan."

"Whatever you say, tss." Binigyan ko pa siya ng nakakalokong tingin kaya sumimangot siya lalo at nag-iwas ng tingin.

"Enough of that, bumalik na lang tayo sa loob."

Tumango ako. "Mabuti pa nga."


Nauna nang tumalikod ang masungit at naglakad pabalik sa kuta namin. Iniwanan na kami ng tuluyan, mas mainam na rin. Kahit kailan talaga ay nakakairita ang isang iyon. Baka nakalilimutan niyang tinulungan namin siya noon at kung hindi dahil sa amin, malamang ay nakakulong siya sa lugar na iyon...


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon