CHAPTER 38: "Night in the mountains"

100 5 0
                                    



Violet Nightfelt 


****Insert Lyrics: "The Light in the Darkness" written by : Lady Yve****

Sitting here and looking at the beautiful sunset

Watching as the twilight, starting to appear this time

And the darkness will surround the world in the night sky

But the stars and the moon will give us light and brightness

Like what our life is all about right now

Still hiding and living in misery

But we're always looking at the bright side

Little hope that will lead us to the light

The light in the darkness

That's what we are holding on

We are still hoping that

It will lead us way back home...


For some unexplainable reasons, it really feels satisfying while just sitting here, above a wide rock on the top of the hill and watching over the wonderful sceneries around me. Though it's getting dimmer and darker all around, The stars and the moon, which is not yet on it's full size, are starting to show up.

The mild and gentle breeze is very refreshing and it gives me more life. Mostly, when I am alone, this is what I've been doing. Just watching the views and singing like somebody out there can here me out. But I know that my voice couldn't reach to every people in the world. Right now, only the nature, the moon and the stars are my silent listeners.


"Sabi na nga ba, nandito ka lang pala."


Napalingon ako nang marinig ang kaniyang boses. Nginitian ko siya na ngayon ay nakangiti na rin habang papalapit sa akin. Sino pa ba? Walang iba kung hindi ang kidlat na si Zeus.


"Kanina ka pa?"

He slightly shrugged his shoulders. "Medyo, kanina pa nga kita hinahanap."

I crossed my arms and raised my eyebrow without breaking our eye contact. "Bakit na naman?"

"Wala lang. Dumidilim na kasi at wala ka pa ro'n sa cave. Alam mo naman, hindi tayo pwedeng gumala-gala palagi lalo na kapag gabi. Baka may ibang tao pa na makadiskubre sa tinutuluyan natin," he explained.

"Hindi naman ako masyadong lumalayo ah?" pangangatwiran ko pa.


Tinitigan niya lang ako at naniningkit ang kaniyang mga mata na para bang sinusuri ako kaya umayos ako ng upo at nakipagtagisan ng tingin sa kaniya.


Lumambot din naman ang ekspresyon niya. "Kahit na, mas okay pa rin na may kasama kang gumala lalo na kapag gumagabi na."

Napangisi ako at marahang tumango. "Oo na po, sige na po, Mr. Kidlat."

"Tss... Nag-aalala lang ako sa iyo, Ms. Tanim."

"Asus! Uyy, concern siya! Hehe.."


Umalis na ako sa pagkakaupo ko sa bato at saka lumapit sa kaniya. Patawa-tawa pa akong inaasar siya sabay sundot sa tagiliran niya. Tumigil rin ako sa pang-aasar at napatingin muli sa langit.


"Ang daming stars, ang sarap panoorin at saka tingnan mo ang buwan o, naka-smile pa sa atin."

"So?"

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon