Emerald Evergreen
Tumunog na ang bell, sinyales ng pagtatapos ng isang subject sa klase. Katatapos lang ng aming History class which is wala naman kaming d-in-iscuss. Nag-intro lang ang guro namin kanina at pagkatapos nito, umalis na rin. Kaya nagchikahan lamang kami pagkatapos.
"Ano guys, sa cafeteria na tayo?" wika ni Rye. Palagi yatang nagugutom ang lalakeng ito.
"Sure pare-ko! Libre mo?"
"Wala namang ganyanan mare-ko!"
Napangiwi si Flare at pinagsabihan ang best friend niya, "Ano ba 'yan, inimbita mo pa kami eh wala ka namang panlibre!"
"Kanya-kanya lang mare-ko," turan nito nang nakangisi. Inakbayan niya si Flare na lalong sumimangot at kinurot siya sa tagiliran.
"Oo na, kuripot ka lang talaga!"
"Hoy that's not true!"
"Kahit kailan talaga, ang ingay ninyong dalawa," seryosong saway ni Zeus sa kanila. Tila naaalibadbaran na siya sa ingay nitong dalawa na talo pa ang may LQ.
"Mabuti pa ay umalis na tayo at pumunta sa cafeteria kaysa magtalo pa kayo d'yan," sigunda pa nitong pusong yelo na si Mia. Naaaliw na lamang ako sa mga asta nila.
"Mabuti pa nga. Let's go Elemeights!" Violet exclaimed.
"Yes!!!!" all of us responded.
"Elemeight", iyan ang pangalan ng grupo o barkadahan namin.
"Elem" from the word element at "Eight" from the word itself, the number eight kasi walo kaming magkakaibigan simula pa noong kabataan namin, ngunit nabuo lamang ang group name noong nasa First Stage na kami.
Syempre, naging parte na rin ng barkada sina Kuya Healer at Ate Alodia. Pati na rin ang nakababatang kapatid nina Blue at Violet na sina Scarlet at Orange. May dalawa pa nga silang kaibigan eh, minsan nga lang namin makasabay.
"Sab, can you transfer all of us to the cafeteria?"
"Sure, no problem sis," Saber agreed with his twin.
"Okay! C'mon Elemeights, let's compress, ngayon na!" Halatang nasasabik na naman si Flare, ang hyper nila ni Rye.
"Yeah!" sabi ko.
Tumayo ako at kumapit na kami sa isa't isa upang maghanda sa teleportation ni Sab. Sa isang iglap, tsaran! Nasa loob na kami ng cafeteria. Nagulat pa nga ang ilang mga nakaupo sa table eh. Bigla kasi kaming sumulpot mula sa kung saan.
"Ahh... Hey everyone, don't mind us!" Natatawa pa ako habang sinasabi 'yon.
"Yeah, continue eating!" dugtong naman ni Violet na kinukumpas pa ang mga kamay.
Tumango at ngumiti lamang ang karamihan sa kanila. Ang iba naman, deadma lang sa amin. Kakaloka rin ang teleportation ability minsan eh, nanggugulat.
****At Elemeights' Class****
Natapos na ang aming one hour break at ngayon ay balik classroom muli kami which is the time for T.E.A subject. Hindi ito T.E.A as in tsaa, ang T.E.A ay acronym lang na ang ibig sabihin ay The Elements and Abilities.
Sa asignaturang ito ay inaaral ang iba't ibang elemental powers and extra-abilities. This subject is good for two hours, from 10am-12pm. At ang aming adviser? Walang iba kung hindi si Sir Alexander Heartstream, isang Senior Master at isang professor dito sa academy. Siya rin ang ama ni Ate Alodia.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasia[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...