CHAPTER 21: "Secret best friend"

143 6 0
                                    



****Saturday, at Clamour's Mansion****


Third Person's P.O.V 


"O, nasa'n na ba ang mga tao rito?" tanong ni Ryeine sa sarili nang makababa siya ng hagdan. Pansin niya kasing tahimik ang paligid.


Tumungo siya sa may sala ngunit wala rin ang mga hinahanap niya. Napapakamot na lamang siya sa ulo niya habang tinitingnan ang kaniyang message receiver.


Nang makita siya ng isa sa kanilang tagasilbi, nilapitan siya nito. "Good morning, young master," bati ng babaeng mas may edad sa kaniya.

Napahinto ang binata sa ginagawa upang bumati pabalik, "Good morning din. Sina mama at papa?"

"Ah, kanina pa sila umalis, pumunta yata sa Council Hall."

"Gano'n ba? Eh si Zeus?"

"Pasensya na young master pero hindi ko namalayan kung saan pumunta si Young Master Zeus. May ipag-uutos ka ba, Lord Ryeine?"

Umiling ang binata at ngumiti na lamang. "Ah, wala naman. Sige, aalis muna ako," paalam niya rito.


Nakapagdesisyon si Ryeine na lumabas muna at pumunta sa kung saan mang lugar siya dadalhin ng mga paa niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating siya malapit sa Lake Mahika. Agad siyang lumapit dito at naupo sa isang tabi, sa luntian at makapal ngunit malambot na damuhan.

Maaliwalas kasi ang paligid ng lawa, napakapresko at napakalamig ng hangin na bumabalot dito. Humiga siya sa damuhan saka tinakpan ng kaniyang kanang braso ang nakapikit niyang mga mata.

Maya-maya lamang ay isang hindi inaasahang pangyayari ang gumulantang sa kaniya kaya agad siyang napadilat. Mula sa lawa, isang dambuhalang halaman ang lumabas na may napakalaking bunganga at matatalim na ngipin. Natulala siya habang pinapanood ito na tila nagwawala. Nakita niyang susugod na ito sa kaniya kaya't napatayo siya. Alisto rin naman siya kaya nasalag niya ito gamit ang kaniyang elemental magic. 

Si Ryeine ay isang Land Magic User kaya bihasa siya sa pag-control ng lupa.


Natigilan siya nang marinig ang mahinang palakpak mula sa kung saan. "Ang galing, nasalag mo ito," dinig niyang wika ng isang pamilyar na boses ng babae.

Nilingon niya ito at lumawak ang kaniyang mga mata. "Daphny? Ikaw ba talaga 'yan?" nauutal na tanong niya rito.

Naglalakad na papalapit sa kaniya si Daphny at tila kalmado lamang ito, walang bakas ng pag-aalala. "Di ba obvious? Don't worry, hindi ka tutuluyan niyan. Sinusubukan lang kita."

"What?" kunot-noong tanong ni Ryeine na tila hindi pa rin makapaniwala. "Then f***in' stop that thing!"

The lady just shrugged her shoulders and answered, "Okay, there you go."


Biglang kumalma ang dambuhalang halaman ngunit maririnig pa rin ang nakapangingilabot na tunog na ginagawa nito. Unti-unti na rin itong lumulubog sa tubig hanggang sa tuluyang nawala.


Nawala na ang bahagyang pamumutla ni Ryeine at napabuga siya ng malalim na hininga. Muli niyang tiningnan si Daphny at tinanong, "Geez, what was that all about?"

"Trip lang?"

"Grabe, nakagugulat ang trip mo ha?!" kunwari ay naiinis niyang turan dito.

Nagsimulang humakbang si Daphny at nilagpasan si Ryeine. Huminto ito nang makalapit na sa dulo ng lupang inaapakan. "Walang magawa eh, bored kasi ako. Kaya heto, naglalakad-lakad hanggang sa mapadpad rito," wika niya habang sinasawsaw bahagya sa tubig ang saplot ng paa niya.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon