CHAPTER 22: "Now confirmed"

146 6 0
                                    



Emerald Evergreen 


First break na namin. Saan na naman kaya kami tatambay nito? Nagsilabasan na rin ang ibang kaklase namin at kaming mga Elemeights ay nandito pa rin sa classroom.


Biglang nagtanong si Blue, "O, hindi ba tayo lalabas?" Bitbit niya ngayon ang kaniyang gitara.

Sumang-ayon naman si Ryeine, "Oo nga naman, nagugutom kami ng babe ko." Kasabay nito ang paglapit niya kay Mia saka niya inakbayan.

Sumama ang mukha ni Mia at inis na siniko niya si Rye kaya napaaray ito. "Wag ka ngang mandamay atsaka huwag mo nga akong akbayan."

He pouted and replied, "Oo na, sorry na po." Dedma na muli si Mia at bumalik ang walang emosyon nitong awra. Napailing na lamang ako.

"Tara na, labas na tayo. Punta tayong cafeteria," pagyayaya pa ni Violet habang inaayos ang mga gamit niya.

"Yes, pero huwag tayong tumambay roon." Sa sinabi ni Flare ay nagpasya kami na tumungo nga sa cafeteria upang bumili ng makakain ngunit hindi kami mananatili roon.


Lumabas na kami sa classroom at dumiretso ng cafeteria. Pagkarating doon ay bumili agad kami ng mga makakain at maiinom. Matapos iyon ay nag-teleport agad kami papunta sa campus park upang dito manatili habang hinihintay ang susunod na klase.

Katamtaman lamang ang lamig at init ng panahon. Sinasalo pa ng malalawak na sanga ng ilang malalaking puno ang sinag ng araw kaya hindi ito direktang tumatama sa amin. Natatakpan ng anino nito ang ilang bahagi ng campus park.


"Wow naman, tamang-tama at maaliwalas ang panahon!" masayang wika ko sa kanila.

Parang kumikislap naman ang mga mata ni Vie habang inililibot ang paningin sa paligid. "Yeah, at napaka-naturific talaga nito!" As expected, she would always enjoy lingering on places like this.

"Doon tayo guys o, sa tabi ng isang puno," mahinang wika ni Mia. Napatingin naman kami sa itinuturo niya.

"Oh yes! Let's go na!" Flaire gladly exclaimed.


Nagtakbuhan agad kami papunta sa punong iyon habang nagtatawanan. Napapatingin tuloy sa amin ang ilang mga estudyante na nag-iikot o tumatambay rin dito. Karamihan sa mga nakakasalubong namin ay aming binabati kaya napapangiti na rin sila.


"Ayan, maupo na tayo," sabi ni Rye na siyang unang naupo sa damuhan.

"Ang sigla naman ng lahat," natatawa pang wika ni Sab.

"Oo, at ang iingay ninyo," seryoso ngunit pabirong wika ni Zeus. Alam ko namang naaaliw rin siya.

Natawa naman si Blue at tinapik siya sa balikat. "Minsan lang ito pare."

Tumango si Flare at sinaway ito. "Oo nga naman, 'wag KJ Zeus!" Matapos sabihin 'yon ay umupo na rin siya sa damuhan.


Inilapag na rin namin ang aming dala-dalang mga gamit, pati na ang mga pagkain at maiinom. Mukha talaga kaming nag-pi-picnic lang dito. Masaya lamang kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan habang kumakain at dahil sa may dala ngang gitara si Blue, nag-music jamming pa kami.


 ****Insert Song: "A Real Fantasy" written by: Lady Yve**** 

BLUE / VIOLET:

"...This is like a dream come true, just being with you

In this one of a kind experience

Just bare with me and worry no more

Let's just spread our wings and fly...


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon