Blue Nightfelt
Ngayon na ang araw ng pag-alis ng mga royal visitors mula sa Fanthasha at Gardellia. Opisyal na kasing nagtapos ang pagdiriwang. Kasama ang ilang mga pinuno ng Magicca, nandito kami ngayon sa main gate ng domain, inihatid lang namin sila.
"Muli, gusto kong magpasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin rito," pahayag ni Prinsipe Heather sa amin.
Nakangiti akong tumango sa kaniya. "Not a problem your highness, you can always come back here anytime you want," tugon ko sa kaniya saka ako nakipagkamay.
"Maraming salamat Lady Violet at Lord Blue, hanggang sa muli, Elemeights!"
Hinawakan ni Ube ang mga kamay ng prinsesa. "Basta Ara, bumalik kayo rito sa Royal Graduation Ball namin ha? Aasahan namin kayo kamahalan. Kayo rin Lord Neon at Lady Henna," pagpapaalala niya pa sa kanila.
"Hindi ko maiipapangako Lady Violet pero sige, susubukan naming makapunta," nakangiting turan naman ni Lord Neon.
"Medyo matagal-tagal pa naman kuya kaya maaaring makadalo tayo sa selebrasyong iyon," sabi pa ng nakababata niyang kapatid na si Lady Henna.
Maya-maya lamang ay isa-isa nang naglapitan ang ibang Elemeight girls at nagyakapan sila kasama sina Princess Ara at Lady Henna. Tiyak na ma-mi-miss nila ang isa't isa dahil medyo matatagalan pa nga ang susunod na pagtitipon namin dito.
Nakikita ko rin ang mga magulang namin na nakangiti lamang habang pinapanood kami. Isa ito sa mga bagay na gusto nilang masaksihan, ang pakikipagmabutihan namin hindi lamang sa Magiccans, kundi maging sa iba pa naming kapanalig mula sa ibang lupain.
Mauunang umalis sina Lord Neon at Lady Henna kasama ang ibang kasamahan nila. Nagpaalam na kami sa kanila na sabay-sabay na naglaho gamit ang teleportation ability ni Lady Henna.
Nagpaalam na rin si Prinsipe Heather na ngayon ay may distansya na sa amin. Kasama niya sina Grey, Ara at iilan pang naging panauhin namin mula sa Gardellia. "Paano, mauna na rin kami!" wika niya kaya napatango ako.
Saglit na yumuko nang bahagya si Prinsesa Arabella saka muling tumingin sa amin nang nakangiti. "Paalam sa inyo!" aniya sabay kaway ng kanang kamay niya.
Nagpaalam na rin kami sa kanila at kinakawayan sila na ngayo'y nagtitipon na lahat at handa nang maglaho. Tumango lamang sa amin si Grey na siyang gagamit ng teleportation sa paglisan nila.
"Tayo na, kamahalan," dinig kong wika niya sa kamahalan.
Hindi nagtagal ay tuluyan na nga silang naglaho sa aming paningin kasabay ng lamyos ng hangin sa paligid. Nakikita ko ring nagsisialisan na ang ibang elder royalties.
Napalingon ako kay Pula nang magsalita siya, "Paano, mauna na rin kami sa inyo mga ate at kuya."
"May pupuntahan pa kami eh," dugtong naman ni Miracle. Nakakapit pa sa braso niya si Pula. Naging malapit na rin silang magkaibigan dahil nga sa best friend ng bunso namin si Miracle.
"Gala-gala muna," wika naman ni Blaster. Mabuti na lamang at mabait ang lalakeng ito. Hindi katulad ng kapatid niya, palaging gulo ang hanap, dawit pa madalas sina Ube at Emme. Hay.
Tumalon naman si Dalandan sabay akbay kina Pula at Blaster. "O'ryt! Tara na friends, let's now teleport!"
Matapos sabihin 'yon ay naglaho na rin sila bigla sa harapan namin gamit ang teleportation ability ni Dalandan.
FLIC 4, 'yon ang itinawag nina Pula sa grupo nilang apat. Kinuha pa ang acronym na ito mula sa mga initials ng elements nila. Ang kay Pula ay Fire, kay Blaster ay Land, kay Dalandan naman ay Ice at kay Miracle ay ang Crystal element. Gets ba?
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...