CHAPTER 61: "Reunited in battle"

113 4 0
                                    



Emerald Evergreen 


"Blue yuko!"


Hindi na siya nagtanong pa at agad sumunod saka ako nagpakawala ng mga palaso sa isang dragon na papunta sa direksyon namin. When the dragon is about to fall, Blue rushed to me to avoid the impact and we rolled together on the ground.


Nagkatitigan kami kaya nababakas ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Ayos ka lang Emme?"

Nasaktan man ako ay nagawa ko pa rin siyang suklian ng ngiti. "Oo, salamat Blue."


Gumagalaw pa ang dragon kaya't tumayo na kami ni Blue. Tinuluyan na rin niya ito gamit ang kaniyang straight sword. He's a weapon-changer after all. May mga namamataan na naman ako na paparating na kalaban. Nagkatinginan lang kami at tumango sa isa't isa. Sabay kaming naglabas ng element magic at saka namin pinakawalan sa mga kalaban.

Matapos iyon ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid, masyado nang magulo rito at naghalo-halo na ang ingay na gawa ng labanan. Nakita ko rin ang ibang mga kasamahan namin na patuloy sa pakikipaglaban. Maya-maya lang ay nagtipon-tipon muli kami.


"Saan naman kaya natin hahanapin dito sina Pula? Masyadong magulo sa paligid," wika ni Blue.

Lumapit sa amin si Flare na naglalagablab pa ang mga kamay. "Oo nga, ang dami pang mga epal dito."


Napakalawak din nitong village at ang sabi ni Ate Alodia ay tumutungo rin sila rito paminsan-minsan. Sinabi naman ni Zeus na pinagala niya na ang kaniyang limang clones upang makapaghalughog sa lugar.


"Teka lang, tama ba ang nakikita ko?"


Napatingin kaming lahat sa itaas kung saan nakatitig si Rye. I spotted a winged guy flying and fighting against a dragon. My eyes grew wider when I realized who that person is.


"Hey Orange! Nandito kami sa baba!"

Mia shook her head. "Masyadong malayo Mira, hindi niya maririnig."

"Sige, liliparin ko na lang!"


Bumalandra nga ang pakpak ni Miracle at lumipad siya papunta sa direksyon ni Orange. Ngunit nakikita na rin namin ang mga dragon na papalapit pa sa kinaroroonan nila sa ere.


"Ako na ang tutulong," Saber volunteered.

"Sabayan na kita Sab!" Rye immediately show off his wide wings and flew towards Orange and Mira's direction while Saber used his teleportation to reach above that easy.

Biglang nagsalita si Cherrybelle, "Mamaya na 'yan, asikasuhin muna natin ang mga papalapit sa atin!"

"Wala talagang kadala-dala ang mga ito," pailing-iling pa na wika ni Zeus. Inilabas niya na naman ang kaniyang espada.

Napangiwi pa si Vie saka nagsalita, "Huh, sinabi mo pa." She started stretching the string of her bow as a part of getting ready for possible next targets.

"It means that they want to taste their own death," seryosong wika ni Mia na blanko pa rin ang mukha habang nakatitig sa mga kaaway na papalapit na naman sa amin.

"Right, bakbakan na 'to Elemeights!" sigaw pa ni Flare sabay labas muli ng sandata niya.


Sabay-sabay din kaming naglabas ng mga magic weapon at agad sumugod sa magkaibang direksyon. Marami sila ngunit syempre, hindi kami magpapatalo pagdating sa labanan ng elements, extra-abilities at weapons. Hindi namin sila uurungan!


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon