CHAPTER 41: "Fierce black creatures"

93 5 0
                                    

Heto na! Ang ikalawang yugto ng kwento!
Simulan na ang labanan ng kapangyarihan!


Ryeine Clamour


Tahimik lamang kaming naglalakad ni Mia sa gubat habang bitbit ko ang basket niya na naglalaman ng mga prutas at iilang bulaklak. Nasa mataas na bahagi kami ng bundok at ngayon ay napadpad kami sa isang open space na malapit lamang sa bangin.

Mula rito sa kinatatayuan namin, matatanaw ang lawak ng kakahuyan sa ibaba at sa may kalayuang parte na naaabot ng aming paningin ay makikita ang Royal Gardellia Kingdom.

We decided to stop for a while and we silently gazed at a place so far that seemed like it's surface is touching the sky. Whistling breeze came by to greet us, it made me closed my eyes for a moment and I tilted my head just to see her bare face.


"Kailan lang ay nandoon tayo sa palasyong iyon," she uttered. She was referring to Princess Ara's home, where we used to stay for two years.

"Oo nga eh, pero ngayon, nasa kagubatan na tayo. Nagsisisi ka ba na umalis tayo ro'n?"

She shook her head and glanced at me. "Hindi naman, masaya rin kaya rito. Syempre, kung nasaan kayo ay doon din ako Rye."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Sige, bumalik na tayo sa cave Mia."


Tumango siya sa akin at nagsimula na rin kaming maglakad pabalik sa aming pinanggalingan. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng mapatigil bigla si Mia na pinagtataka ko.


"Bakit Mia?"

"Ssshhh... Narinig mo 'yon?" she whispered.

Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko lalo pa at napakaseryoso ng mukha niya. Ngunit nanatili akong kalmado. "Ang alin? May sumusunod ba sa atin?"

Dahan-dahan siyang tumango. "Oo, may paparating."

"Ano? Tara, magtago tayo roon."


Hinila ko si Mia saka kami tumakbo. Tunog ng malulutong na tuyong dahon at kahoy na naaapakan namin ang maririnig sa aming mga kilos. Sumuong kami at nagtago sa mga halaman, tahimik na pinapakiramdaman ang paligid.

Napasinghap lamang kami nang may sumulpot na isang itim, mabangis at nakakatakot na nilalang. Mahigit dalawang buwan na kami rito sa gubat ngunit ngayon lang kami nakakita ng ganito.

Dumating ang isa pang kasama nito at may isa pa. I gulped as my fist started clenching. My heart started panicking inside, so as my breathing. All I can ever think of is to find a way for us to evacuate this place, it's not safe anymore.


Ramdam ko ang paghawak si Mia sa damit ko. "Rye, a-ano ang mga nilalang na iyan?" anas niya.

Muli akong napalunok. "H-hindi ko rin alam Mia. Ang mabuti pa ay dahan-dahan na tayong lumayo rito."

"Mabuti pa nga, bumalik na tayo sa kuweba."


Nagbulungan lamang kami ni Mia habang unti-unting napapaatras. Sa kamalas-malasan nga naman ay may naapakan pa akong maliit na kahoy, ngunit nagpatuloy pa rin kami sa pagkilos. Natigilan lamang kami nang may marinig na bumagsak sa hindi kalayuan, mula sa aming likuran. Ramdam ko na isa itong malaking nilalang dahil sa impact ng hangin na tumama sa aking likod.

Napakapit sa kamay ko si Mia at medyo nanginginig ang malamig niyang palad. Dahan-dahan ay sabay kaming lumingon sa aming likuran. Tama nga ang hinala ko kaya't agad kaming napaatras na nanlalaki ang mga mata. Iyong katulad ng mababangis na halimaw kanina ay nasa harapan namin ngayon!

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon