Third Person's P.O.V
Kasalukuyang nasa Archaic Palace ang Darkreighn Superiors na sina Lord Hellgod at Lady Savannah. Sa isang silid ay kausap nila ang dalawa sa mga pinagkakatiwalaan nilang tauhan, sina Glacier at Glimmer Mayhem. Magkapatid ang dalawa, kambal na babae at lalake na nasa edad dalawampo.
Sa katunayan, may grupo rin sila na walo ang myembro, kabilang na sila at ang matalik na magkaibigan na sina Shieldron at Daphny, na kasalukuyan ring pinaghahanap ng mga Darkreighnians.
Binigyan ng utos ni Hellgod sina Glacier at Glimmer na magpunta sa isang malayong lupain upang subukang hanapin ang mga nawawalang Magiccan Royalties na hanggang sa ngayon ay hindi nila mahagilap.
Bago pa sila lumisan, may isang maliit na bagay na ibinigay si Lady Savannah bilang pabaon.
"Ano po ito, Lady Savannah?" nagtatakang tanong ng binatang si Glacier. Tinitigan niyang mabuti ang isang maliit na sisidlan na hawak-hawak ng kaniyang kapatid.
"Ingatan ninyo ang maliit na tube na iyan, makatutulong 'yan kapag nandoon na kayo."
"Sa nakikita ko po ay kakaiba ang nilalaman ng tube na ito dahil nababalot ito ng mahika."
Ngumiti ng makahulugan ang Lady Superior bago sumagot, "Tama Lady Glimmer, mga buhay at malalakas na nilalang ang nasa loob niyan."
Mas lalo namang naguluhan si Glacier sa sinabi nito. "Buhay? Ano po'ng ibig ninyong sabihin?" kunot-noo niyang tanong.
"Basta, pagdating na pagdating ninyo sa inyong paroroonan, maaari n'yo nang buksan ang tube nang mapakawalan ang kung ano mang nilalaman niyan at sila ang makakatuwang ninyo sa paghahanap. Kapag natapos na kayo, maaari n'yo rin silang pabalikin muli sa loob."
"Naiintindihan na po namin, salamat po, Lady Savannah. Makatutulong nga ito para sa aming paghahanap," tugon ni Glimmer.
"Mabuti kung ganoon." Nilingon ng Lady Superior ang asawa niya kaya tinanguhan lamang siya nito.
"Katulad ng napag-usapan natin, hahanapin ninyo ang mga kabataang Magiccan Royalties na nakatakas. Kapag natagpuan n'yo na sila at ang pinagkukutaan nila, bumalik agad kayo rito sa lalong madaling panahon."
Tumango naman si Glacier bilang pagsang-ayon. "Naiintindihan ko po, Master Hellgod."
"Umaasa kami sa inyo, makakaalis na kayo."
"Yes masters!!" magkasabay na turan ng dalawa saka yumuko bilang pagbibigay-galang.
Kaagad na umalis ang magkapatid upang tumungo sa isang malayong lupain. Nagtataglay ng teleportation ability si Glimmer kaya naman ay ilang minuto lamang ang itinagal ng paglalaho nila at nakarating na sila sa paroroonan, ang Land of Gardellia.
Napadpad sila sa tabing-dagat at mula sa kinatatayuan nila ay nakita nila ang daanan papalabas ng gubat kaya't agad ay kumilos na sila at tinahak ito. Nang sila'y makarating sa dulo ay tumambad sa kanila ang isang malawak na grassland na may iilang puno na makikitang nakakalat.
"Kailangan muna nating maghiwalay nang mas mabilis ang paghahanap Glace. Tatahakin ko ang daanang ito. Alam kong patungo ito sa Royal Gardellia Kingdom, magmamasid lang ako sa labas ng area nila," wika ng babaeng nagngangalang Glimmer.
"Sige, ako naman ay papasok sa kagubatan papunta sa bundok. Malaki rin kasi ang posibilidad na nagtatago sila roon. Malawak rin ang mountain forest. Dito mo gagamitin ang ibinigay nina Lady Savannah," tugon ng kakambal niyang si Glacier.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...