****At Nightfelt Mansion****
Blue Nightfelt
Kararating ko lamang ngayon sa tahanan namin at dire-diretso na akong tumungo mansyon. Kanina lang naman ang labasan sa academy ngunit dahil nagkayayaan kami ng mga kaklase kong lalake, natagalan ako sa pag-uwi.
Kaninang 4 pm pa ang uwian at ngayon ay 6 pm na, gumagabi na rin. Hindi bale, tinawagan ko naman sina mama kanina at nagpaalam ako.
"Magandang gabi, young master!" bungad sa akin ng isa sa aming tauhan dito. Nagkasalubong kami sa may pintuan.
Tipid ko siyang nginitian at binati rin pabalik, "Magandang gabi rin po sa inyo. Pasok na po ako."
May ilan pa akong nakasalubong sa loob na bumabati sa akin kaya binabati ko rin sila pabalik. Sanay na rin ako sa ganito. Ito ang buhay na nakasanayan namin ng mga kapatid ko sapagkat anak kami ng mga pinuno ng Royal Magicca Domain na siya ring pinuno ng angkan namin.
Nakita ko si papa na nakaupo sa harapan ng piano kasama si Dalandan, nagpa-practice yata. Nginitian ko lamang sila at kinawayan. Agad akong dumiretso sa may kitchen namin. Sumalubong sa akin ang napakasarap na amoy ng kung ano mang hinahanda nila.
Naabutan ko rito sina mama at si Pula na nagluluto na. Tinutulungan din sila ng dalawa sa aming mga tapat na tauhan, sina Ate Suzette at Ate Clarissa.
"Magandang gabi po," bati ko sa kanila.
"Hey, magandang gabi rin my dear Asul," nakangiting bati naman ni mama. Madalas talaga siyang nangunguna sa pagluluto rito. Ayaw niya rin kasing i-asa na lamang lahat ng gawain sa mga tauhan namin.
"Magandang gabi, young master," wika ni Ate Suzette.
"Magandang gabi rin iho," tugon naman ni Ate Clarissa.
Ngumiti lamang ako at saka sila tinanguhan. Dumiretso ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig na maiinom.
Nilapitan naman ako ni Pula saka binati, "Hi Kuya Asul, good evening! Saan ka galing?" Nakapamaywang pa siya at tila kinikilatis ako ng mga mata niya.
"Tumambay lang doon sa may street food market kasama ang barkada," walang ganang tugon ko sa kaniya.
"Ah, okay. Dinalhan mo ba ako?"
Nginisihan ko siya at mahinang pinitik ang noo niya. "Syempre hindi."
"Aray, damot!" asik niya sa akin habang hinihimas ang noo niya. "Umalis ka na nga rito, shoo!" pagtataboy niya pa sa akin.
"Oo na po, talaga namang aakyat na ako sa taas at magbibihis pa ako," turan ko sa kaniya.
"Okay, go now. Bilis!" she commanded like she's older than me. Minsan talaga ay nagiging bossy na siya.
"Tsk.. Yes boss Pula. Sige po ma, mga ate, una na ako," paalam ko sa kanila.
Pinasadahan ko pa ng nakalolokong tingin at nginisihan si Pula bago tinalikuran. Hindi rin ligtas sa mga mata ko ang pag-irap niya. Tsk, sinupladahan pa ako. Balewala lang naman sa akin dahil kilala ko siya at alam kong hindi siya seryoso tulad nina Ube at Dalandan.
Tuluyan na nga akong umalis sa kusina at dumiretso na paakyat ng hagdan. Naglalakad na ako sa mahabang corridor papunta sa kwarto ko. Madadaanan ko naman ang kwarto nina Pula at Dalandan na magkaharap lamang. Katabi ng kwarto ni Dalandan ay ang kwarto ni Ube, na kaharap naman ng kwarto ko, na katabi ng kwarto ni Pula.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...