CHAPTER 19: "You're caught"

132 11 0
                                    



Flareena Starlight  


Hanggang ngayon, sobrang naiinis pa rin ako sa mga sinabi sa amin nina Rye kahapon. Nalaman kasi nila na may nagpanggap bilang kami gamit ang metamorphosis ability. May suspetsa na rin kami kung sino, ngunit syempre, kailangan naming masigurado na siya nga.

Kaya hanggang ngayon na hapon at uwian na, inaabangan namin si Cherrybelle. Oo, siya nga ang sa tingin namin na may gawa no'n. Although maraming gumagamit ng ability na iyon, siya lang naman ang may motive at may galit sa amin sa hindi malamang kadahilanan.

Ewan ko ba sa babaeng 'yon, pinaglihi yata sa sama ng loob. Tumitindi yata ang galit sa amin kahit 'di naman namin siya inaano. Kung dati ay hinahayaan lamang namin, ngayon iba na. Talagang pinapainit niya ang ulo ko eh.
 

"Flare, nag-message si Vie. Nakita na raw nila si Cherrybelle, kasama ang kaibigan niyang si Daphny at papunta sila sa locker area."

"Mabuti kung gano'n, tara na!"


Agad ay napatakbo kami ni Mia papuntang lockers area. Halos makabangga na namin ang ilang estudyante dahil sa aming pagmamadali. Mabuti't namataan agad namin sina Vie at Emme na nagtatago sa gilid.


"Uyy girls, ano na? Nasaan ang bruha?" bungad ko sa kanila na medyo humahangos pa.

"Buti't nakarating kayo agad. Ayun sila o, papunta yata sa locker nila," halos pabulong na turan ni Vie kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.

Emme glanced at us and suggested, "Kailangang makalapit pa tayo para marinig ang usapan nila."

"Hindi na natin kailangang lumapit ng husto. I can use my super sense ability mula rito," mahinang wika naman ni Mia kaya napangisi ako. 

Tinapik ko siya sa balikat. "Oo nga pala Mia, kaya mo nga palang palakasin ang senses mo."

"Sssshhhh.... Heto na, pinapakinggan ko na sila. Kumapit kayo sa akin," she uttered in a serious tone.


Kumapit kaming tatlo sa kaniya habang pinapagana niya na ang kaniyang super sense ability. Kaya nitong palakasin ang five senses niya nang higit sa normal na kakayahan ng isang tao ngunit may limitasyon din naman. Of the five senses, her sense of hearing is the strongest and it's really helpful in times like this.


Una kong narinig ang boses ng nagngangalang Daphny na kaibigan nga raw ng bruha. "Mukhang masaya ka nga ngayon."

I heard the sound of her sarcastic giggle. "Syempre, dahil may alas na naman ako sa Elemeights at nasubukan ko na 'yon kahapon."

"Alin? Ang paggaya mo sa kanila gamit ang extra-ability mo?"

"Ssshhh! Wag mong lakasan ang boses mo at baka may makarinig sa'yo!" singhal pa ni Cherrybelle sa kaibigan niya. Ang tanga lang, nakalimutan yata ng babaeng ito na may mga taong nagtataglay ng super sense.

"So totoo nga? Hindi lang si Ms. Hoarfrost, sinubukan mo ngang gayahin ang anyo pati nina Ms. Starlight, Ms. Evergreen at si Ms. Nightfelt?"

"Iyong tatlo lang. Hindi nasali si Emerald dahil paalis na ang boys nang mga oras na 'yon eh."


Nagkatinginan kaming apat sa narinig. Ang lakas naman talaga ng loob ng babaeng 'yan upang gumamit ng metamorphosis laban sa amin.


"Gano'n ba? Sigurado ka bang hindi sila nakahalata sa iyo? Sinasabi ko sa 'yo Cherrybelle, kapag nahuli ka nila, lagot ka," wika ni Daphny na may bahid ng pagbabanta sa kaibigan niyang mapanlinlang. Tsk. 

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon