****A month later****
Cherrybelle Netherfield
Sa loob ng isang buwan, kung anu-ano na ang ginawa ko para lamang mapansin ng Elemeight boys. Tulad ng kasunduan namin ni Shieldron, kailangan ay mapalapit ako sa kanila.
Minsan ay natapunan ako ng juice kunwari, minsan may nakabangga ako at nahulog ang gamit, at kung anu-ano pa. So far, hindi nga siya masyadong effective, madalas epic fail. Ngunit may pagkakataon naman na kinakausap nila ako saglit. Madalas nga lang ay pinagsasabihan nila ako.
Nakakainis na nga minsan kaya nasusungitan ko sila. Pero iyong si Ryeine at Saber, medyo chill lang at friendly kaya hindi ako nahihirapan sa pakikipag-usap sa kanila.
Ngunit si Blue? Walang epekto, dedma lang. Mas lalo na si Zeus! Sayang, mas gusto ko pa naman sa kanila sina Blue at Zeus. By the way, nandito ako ngayon sa tagong parte ng academy. As usual, hinihintay ko ang aking partner in crime na si Shieldron.
"Yow Ms. Netherfield!"
"Hay sa wakas, dumating ka rin. Ikaw 'tong nagsabi na magkita tayo pero ikaw pa ang late!" panunumbat ko sa kaniya ngunit tila wala naman siyang pake.
Ang mga kamay niya ay parehas na nakalagay sa kaniyang bulsa habang naglalakad siya papalapit. "Pasensya naman, naging busy lang," walang gana niyang sabi.
Inirapan ko siya. "Busy? Sino'ng niloloko mo?"
"Totoo ang sinasabi ko. Kanina lang ay kausap ko ang dalawang Elemeight girls and as usual, nagtalo na naman kami ni Violet at si Emerald ang laging nagpapatahimik sa amin. Sa totoo lang, okay rin silang kausap ah. Iyon nga lang, hindi pa rin ako sigurado kung nagtitiwala na nga sila sa akin."
"Mabuti ka pa, nakakausap mo na sila ng matino at first name basis na kayo. Samantalang ako? Ewan ko ba, mailap sila sa akin. Maganda at sexy naman ako, at tsaka, binabawasan ko na ang pagmamaldita ko ano. Kahit parang gusto ko nang sakalin ang iba sa kanila."
Napapaiwas siya ng tingin at tila yumuyugyog ng bahagya ang kaniyang balikat. Halatang nagpipigil siya ng tawa. Ang sarap batukan ng lalakeng 'to eh.
"Ano'ng nakakatawa?"
He shrugged his shoulders. He said, "Wala naman, nevermind. Ba't di mo subukang gayahin ang mga babaeng Elemeights. Kahit minsan lang, magpanggap ka. May metamorphosis ability ka naman, huwag ka lamang magpapahuli."
Napaisip ako sa sinabi niya. May punto nga siya. Magagamit ko nga sa kanila ang aking metamorphosis ability. Pwede akong magpalit-anyo bilang si Rhythmia, Flareena, Emerald o si Violet. Maaari ko silang linlangin gamit ang kakayahang iyon.
Napangisi ako sa aking naiisip. "You know what, may brilliant mind ka rin pala, Mr. Hawkeland."
"Sabi ko naman sa 'yo eh. Ikaw lang itong walang tiwala sa 'kin."
I smirked and yelled at him, "Never! Eh loko-loko ka rin naman!"
Maaaring magkakampi nga kami ngayon ngunit hindi ibig sabihin nito ay talagang nagtitiwala na ako sa kaniya. Hindi ko pa siya lubusang kilala at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman kung ano ang tunay niyang dahilan kaya niya ginagawa ito. Saka ko na iisipin 'yon.
"No choice ka dahil ako lang ang kakampi mo," turan niya sa akin nang nakatitig sa aking mga mata.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Sa ngayon, wala akong pagpipilian dahil siya lamang ang nakahandang tumulong sa akin. "Right. Sige, mauna na ako. See you around."
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasia[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...