CHAPTER 42:"Attack on the cave"

90 4 0
                                    



Glacier Mayhem 


Kanina lamang ay nadaanan ko na ang lugar na alam kong pinaglabanan ng mga alaga ko at ng kung sino mang tao na nandito sa gubat. Nakita ko pa ang isang basket na natapon kasama ang laman nitong mga prutas at bulaklak.

Ngayon naman ay nandito ako malapit sa isang ilog na malapit sa talon at natagpuan ko ang ilang mababangis kong nilalang na mukhang pagod, may mga sugat at halatang sinugod ng kung sino man.

Mukhang tama ang hinala ko. Nandito nga sila. Ngayon, kailangan ko lamang matunton kung saang lupalop sila sa lugar na ito nagtatago...


Third Person's P.O.V 


Halos sabay lamang na nakabalik sa kuweba sina Saber, Flareena, Ryeine at Rhythmia. Papasok na sana sa bukana nito sina Saber nang mapansing paparating din si Ryeine na binubuhat ang kakambal niya.


"Ano'ng nangyari sa inyo? Ayos ka lang Mia?" nag-aalalang tanong ni Saber sa kapatid niya. Ibinaba na rin siya ng binata.

"O-oo, ayos lang ako, pero may sugat si Rye."

"What? Let me see pare-ko! Oh my..." Nanlaki ang mga mata ni Flareena sa nakita. Basa na ng dugo ang ibabaw na bahagi ng saplot ni Ryeine.

Ngumiti lamang si Rye habang hawak pa rin ang kaniyang sugat. "Ayos lang naman ako, malayo lang ito sa bituka."
"Ano? Eh mukhang malalim 'yan ah? Hindi pa tumitigil ang pagdurugo o!"

"Kaya tayo na sa loob, ipagamot natin siya kay Vie," wika ni Mia.


Nangingilid ang kaniyang mga luha ngunit pinipigilan niya lamang na bumagsak ito. Halata rin kasing nasasaktan si Ryeine kahit pa hindi nito sabihin.


"Sige, pumasok na kayo Mia. Dito muna ako sa labasan ng cave, magbabantay ako at baka mapadpad rito ang mga nilalang na 'yon."

Nagkatinginan sina Ryeine at Rhythmia na bakas ang pagkagulat. "Nakaharap n'yo rin ang mga 'yon?"

"Oo pare-ko at ang babangis. Teka nga, sila ba ang may gawa niyang sugat mo?"

"Sila ang may gawa kaya't tayo na sa loob," sagot ni Mia. Tumango lamang ang tatlo.


Pagpasok nila ay unang sumalubong sina Blue at Zeus na agad naman silang inusisa. Kinuwento nila ang lahat ng nangyari sa gubat.


"Ano? Saan naman kaya nagmula ang mga iyon?"

"Yan ang hindi namin alam Zeus," ani Flare habang napapailing.

Muli namang nagsalita si Ryeine. "Kaya kunin na ninyo ang mga gamit na kaya n'yong dalhin at umalis na tayo rito!"

"Bakit Rye, ano'ng nangyayari?" biglang sabat ni Emerald. Lumapit na ito sa kanila.

"Mahabang paliwanagan Emme, pero kailangan muna nating kumilos. Sige na, kunin na natin ang ilang mahahalagang kagamitan at aalis na tayo rito," seryosong wika ni Blue.

Nalilito man ay agad napatango si Emerald. "S-sige, naiintindihan ko."


Atubili siyang tumakbo papunta sa kanilang silid. Si Violet naman ay kunot-noong pinagmamasdan ang mga kaibigan niya.


"Hindi ko alam ang nangyayari pero tutulong ako sa paghahanda ng mga kagamitan, kami na ni Emme ang bahala sa pagkain at maiinom," wika niya pa.

"Mabuti kung gano'n, magsikilos na tayo."


Sumunod naman ang lahat sa sinabi ni Blue. Kumilos na nga sila at tulong-tulong sa pag-aayos ng mga dadalhin nila sa paglisan.


Nilapitan ni Rhythmia ang kaniyang pinsan. "Vie, kahit sandali lang, pakigamot mo naman si Rye. May sugat siya sa kaliwang balikat niya."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon