CHAPTER 55: "Mission to capture"

105 4 0
                                    



****At Royal Magicca Palace, Royal Magicca Domain****


Alexander Heartstream 


Kasalukuyan na naman akong nasa palasyo at kasama ko muling pumunta rito sina Garret at Melody upang muling dalawin ang mga masters. Tulad ng nakasanayan ay nandito muli kami sa Royal Leisure Room habang ang ilang royalties ay nasa kani-kanilang silid sa palasyo.

Nagulantang lamang kami nang biglang bumukas ang pintuan at basta-bastang pumasok ang ilang tauhan ng Darkreighn. Kasunod pa nila sina Hellgod at Savannah kaya napatayo na rin ako. Ano naman kayang ginagawa nila rito?


"Kumusta mga Masters of Magicca?"

Nagtiim ang bagang ni Lord Elleazer na hindi inaalis ang masamang pagkakatitig sa mga kalaban. "Hellgod,  at ano naman ang ginagawa ninyo rito? Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?"

Bahagya lamang itong natawa, tila nang-uuyam pa. "Masama pa rin talaga ang loob mo sa pagkakabagsak ng Magicca, tama ba? Elleazer, hindi mo ba nakikita? Kami na ang kikilalaning pinuno ng lahat. Malapit nang dumating ang panahon kung saan pamumunuan na namin ang buong mundo. Masasakop na rin namin pati ang Gardellia at ang Fanthasha."

"At ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nagpadala na kami ng mga tauhan na susugod sa dalawang lupain ngayong araw na ito mismo."

Nagkatinginan ang mag-asawang Nightfelt, halatang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Hellgod. "Ano? Sabay ninyo itong lulusubin?"

"Oo Eleenna. Maghihintay na lamang sila sa tamang pagkakataon at hudyat, saka sila maghahasik ng gulo sa Fanthasha at Gardellia,"  nakangising wika ni Savannah.

"Savannah!"


Bigla na lamang naglabas ng element aura si Lady Eleenna at saka ito pinakawalan kina Savannah ngunit tila balewala na lamang ito sa kanila at agad nilang napigilan. Ngayo'y tila hindi makagalaw si Lady Eleenna sa kinatatayuan niya. Sa nakikita ko'y parang sinasakal siya dahil hirap na makahinga at nahila siya pabagsak sa sahig ng isang malakas na puwersa.


"Eleenna! Hayop ka talaga Savannah!" bulyaw ni Lord Elleazer. Hindi pa rin nito maitago ang galit sa kaniyang mga mata ngunit bakas rin ang pag-aalala.

"Iyan ang bagay sa kaniya." Dumagundong ngayon sa silid ang mala-demonyong tawa ni Savannah.

"Eleenna, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Master Elleazer sa asawa niya. Inaalalayan niya ito ngayon at hinahagod sa likod.

The lady just forced a reassuring smile. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala."

"Yan kasi Eleenna, hindi ba't sinabi ko na sa inyo na huwag na huwag kayong magtatangkang kalabanin kami? Hindi n'yo na kami kakayanin dahil sa bagong sandata namin. Isa pa, alam n'yo namang naging limitado na ngayon ang paggamit ninyo ng kapangyarihan, at nakasalalay ang buhay ng mga mamamayan ng domain sa mga ikinikilos ninyo."


Tinapunan lang siya ng matatalim na titig nina Lady Eleenna at Lord Elleazer. Maging ang ibang mga kasamahan naming nandito ay punong-puno ng galit sa mga mata.


"Siya nga pala, bago ang pagsalakay na gagawin, may ilang tauhan din kami na binigyan ng espesyal na misyon. Malalakas sila at mahuhusay sa labanan kaya't sila ang ipinadala namin sa paghahanap ng mga nawawala ninyong mga anak."


Pare-parehas ang naging reaksyon naming lahat at mas lalo yatang naalarma dahil sa sinabi ni Savannah. Ito na nga ba ang iniisip ko, talagang hindi nila titigilan ang mga anak namin.


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon