****At Royal Fanthasha Village****
Third Person's P.O.V
The battle is still raging in the village of Royal Fanthasha. Lord Ethos, Lady Marria, Lord Hyenne, Lady Lara and the rest of their companions are fighting against the troops of Lady Jameica. The black dragons of the enemy continued to bring destruction on the place.
"Wala talaga kayong balak sumuko ano?" ani Lady Jameica, na mukhang kampante lamang sa mga nangyayari.
Sinamaan siya ng tingin ni Lady Marria. "Nagpapatawa ka ba? Hinding-hindi namin isusuko ang village sa inyo! Bruha."
Nanlaki ang mga mata Jameica at lalong tumalim ang mga titig nito na tila umaapoy na. "A-ano? Kung gano'n, humanda ka nang mamatay!"
"Ikaw ang mamamatay!"
Sa kabilang banda naman, sina Lord Neon at Lady Moira ay magkasamang nakikipaglaban. May mga sumusugod sa kanila kaya gamit ang super strength at kasabay ng land magic ni Neon ay sinalubong niya ang mga ito. Isang malakas na suntok ang ibinagsak niya sa lupa kaya biglang yumanig at umaangat ang lupa papunta sa mga kalaban. Ginamitan niya rin ng malakas na gravity upang mahirapang gumalaw ang mga kalaban.
May mga dragon naman mula sa ere na papunta sa direksyon nila. Namataan ito ni Moira kaya gumamit siya ng water magic bilang pangontra sa apoy na ibinubuga ng mga ito. Nakita niya rin na may mga sumusugod sa likuran nila kaya't gamit ang weapon-changing ability niya ay naglabas siya ng double-blade sword at pinaghiwalay ang mga ito. Sinugod niya rin ang tatlong taong may dala-dalang straight swords.
Maya-maya pa ay nasa tabi niya na si Neon at tinutulungan siya. Spear naman ang magic weapon ng binata. Paparating muli ang mga kalaban na kasabay pa ang ilang mga dragon. Nagkatinginan ang dalawa at tumango sa isa't isa saka tumakbo. Nagpapahabol sila papunta sa isang malaki at lumang gusali. Lumusot naman sila sa kabilang parte nito. Nang makalabas na ay tumigil si Moira at gumamit ng telekenesis upang paguhuin ang mismong gusali.
Samantala ay magkasama naman sina Lord Gazer at Lady Henna sa labanan. Kani-kanina lamang ay may nakalaban silang mga dragon. Ngayon naman ay kaharap nila ang dalawang malalakas na element users. Kinakalaban ni Gazer ang isang lalakeng Ice Magic User at kaharap naman ni Henna ang babaeng Lightning Magic User. Mga miyembro ito ng Nightreighn, na walang iba kung hindi sina Glacier Mayhem at Sue Vermine. Hindi rin nagpapatalo si Gazer na isang Wind Magic User at si Henna na Nature Magic User.
Si Glacier, maliban sa pagiging ice user, ay maalam sa charm magic, isang weapon-changer at may cloning ability pa. Si Sue na lightning user, ay may camouflage extra-ability at ang personal weapon ay whips.
Ginamit ni Glacier ang kaniyang cloning ability kaya't naglabasan ang limang clones na may hawak na iba't ibang sandata. Sabay-sabay ang anim na sumugod kay Gazer na ang gamit na sandata ay knife-swords. Ang mga sandatang ito ay parang straight swords ngunit sinlaki lamang ng hand knives. Kaya niya itong paramihin at sabay-sabay na itira sa kalaban.
Sina Henna at Sue naman ay naghahabulan sa isang kakahuyan. Gamit ang whips ni Sue ay palipat-lipat siya ng puwesto sa matatayog na mga puno. Nag-te-teleport naman si Henna upang makipagsabayan sa kalaban. Maya-maya pa ay tumalon si Sue mula sa itaas sabay sipa ngunit nailagan ito ni Henna at nagpalitan sila ng suntok hanggang sa lumapag sa lupa.
Inilabas si Henna ang magic weapon niya na spinning blades at itinapon lahat kay Sue na mabilis ding kumilos at gumanti gamit ang thunder bolt. Napaatras ng kaunti si Henna bilang pag-iwas.
"Kulang ka kasi sa pag-iingat!" mayabang na sigaw pa ni Sue.
"Manahimik ka!"
Bigla namang nagdatingan ang tatlong mga dragon at agad pinaligiran si Henna. Ngumisi naman ang kaniyang kalaban.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...