Scarlet Nightfelt
Dito sa gitna ng kagubatan, kasama kong naglilibot sina Ate Alodia at Dalandan. Naiwang mag-isa sa tree house si Miracle habang si Blaster naman ay kasama ni Kuya Healer na tumungo sa Royal Fanthasia Village.
Nag-iikot lamang kami sa kakahuyan tulad ng nakasanayan at tumitingin din sa paligid kung may mga makakain ba na pwedeng pitasin. Mula sa ere ay lumipad na pababa si Dalandan dala-dala ang basket ko. Nakita ko na may kaunting laman na ito.
Nang makalapag ay lumapit siya sa akin sabay abot nito. "Heto na, Ate Pula."
"Wow, salamat Dalandan. Ate Alodia, may laman na ang basket ko. Ate?"
Nakita namin si Ate Alodia na nakahawak sa puno at hinihilot ang noo niya. Nagkatinginan kami ni Dalandan at saka namin siya nilapitan.
"Ate, ayos ka lang ba?" Hinagod ko siya sa likod. Medyo namumutla kasi siya.
"H-hah, oo, ayos lang ako Scar. Medyo nahihilo lang ako."
"Nako, masama ba ang pakiramdam mo Ate? Umuwi na lang muna tayo," nag-aalalang wika ni Dalandan.
Umiling naman si ate. "Hindi, ayos lang talaga. Okay lang ako."
"Sigurado ka ba, ate?"
Ngumiti siya sa akin at bahagya akong tinapik sa balikat. "Oo, okay lang talaga ako."
Mas nauuna na siya sa paglalakad. Nagkatinginan muli kami ni Dalandan at nagkibit-balikat na lang. Nakailang hakbang pa lamang kami nang mapahawak muli si Ate Alodia sa noo niya.
"Ate bakit?" Bago ko pa siya malapitan ay nakita kong matutumba na siya.
Napasigaw kami, "Ate!!"
Alerto si Dalandan na agad nakapag-teleport papunta kay Ate Alodia upang saluhin ito kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa.
"Ate Pula! Tulungan mo ako, dali!"
Agad kong nabitawan ang bitbit kong basket at tumakbo papalapit sa kanila. Inalalayan ko si Ate Alodia na ngayon ay tuluyan nang nawalan ng malay.
"Hawakan mo muna siya Dalandan at may kukunin lang ako."
Kinuha ko muna ang aking basket at saka binalikan sina Dalandan. "Bilis Dalandan, mag-teleport na tayo pabalik ngayon din!"
"Oo, tayo na!"
Naglaho kami agad at mabuti na lang ay medyo malapit lamang kami sa tinutuluyan namin kaya agad ay nakabalik ng mabilisan. Pagdating namin dito ay nanlalaki pa ang mga mata ni Miracle nang makita kami.
"A-ano'ng nangyari?"
Napailing ako bago sumagot, "Hindi rin namin alam Mira basta't hinimatay na lang siya bigla."
"Sa kwarto na tayo mag-usap," sabat pa ni Dalandan habang hawak-hawak pa rin si ate.
Agad kaming t-in-eleport ni Dalandan sa silid ni Ate Alodia. Inayos namin ang higaan at saka dahan-dahan namin siyang inihiga rito.
Miracle asked, "Bakit kaya siya hinimatay?"
"Hindi ko talaga alam Mira. Basta't kanina lang ay okay naman siya nang umalis kami." Muli naming tiningnan si Ate Alodia na nasa mahimbing na pagtulog.
"Nako naman, wala pa sina Kuya Healer," ani Miracle na hindi na rin mapakali.
Bumuntong-hininga na lang ako. "Oo nga eh, siya lang naman sa atin ang Nature Magic User at mas maalam sa ganito."
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasi[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...