Cherrybelle Netherfield
"Sinasabi na nga ba at ikaw nga... Cherrybelle..."
Hindi agad ako nakakilos dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at tila napako na nga ako sa aking kinatatayuan. Napapikit na lamang ako at naikuyom ang aking mga palad. Nasundan pala ako.
Shieldron asked, "Ano'ng ginagawa ninyo rito?" His sharp and blazing azure eyes are now fixed on them.
"Kayo, ano ang ginagawa ninyo rito? Hindi ba't nasa Magicca kayo at sinasakop ito? Tinuring pa naman nila kayong mga kaibigan, iyon pala ay mga traydor!" singhal ni Princess Arabella. Nagngangalit ang kaniyang mga mata at tila gusto na kaming sugurin.
Prince Heather didn't take his eyes off me and that made me uneasy. "Cherry, bakit kasama mo sila? Huwag mong sabihing kakampi ka na nila?"
Lumapit ako sa kanila nang hindi inaalis ang diretsong mga titig ko sa kaniyang mga mata. Ngunit sa bandang huli, napaiwas din agad ako.
"Mga kaibigan ko sila," mahinang sambit ko.
Napakunot ang noo niya at tila nagugulahan siya. "Ano? Ngunit alam mo ba ang mga ginawa nila noon?"
"Oo, alam ko na."
The princess yelled at me, "Sinasabi na nga ba, traydor ka rin Cherrybelle!"
Akmang susugod na siya sa akin ngunit agad na nahablot ni Grey ang mga braso niya upang pigilan ito.
"Huminahon ka lang prinsesa."
Nagpumiglas pa rin siya. "Ano? Bitawan mo ako Grey! Kailangang maturuan ng leksyon ang babaeng iyan!"
"Pakinggan muna natin sila," Grey insisted.
"Ano pa ba ang dapat nating marinig mula sa kanila?!"
"Na lumayas na kami roon at wala nang balak na bumalik pa."
Natahimik ang lahat ngayon at nakatingin na kay Daphny. Nakatayo lamang siya sa isang tabi. Blanko ang mukha niya at nakapanlalamig ang kaniyang boses.
"Ano'ng sinasabi mo?" halos pabulong na tanong ng prinsesa.
Nagsalita naman agad si Shield, "Ako na ang magpapaliwanag. Oo, inaamin ko na minsan ay nagtaksil kami sa mga taong itinuring kami na kaibigan. Noong una ay ginawa namin ang lahat para mapalapit sa kanila at kaibiganin sila. Ginawa namin iyon para sa aming misyon."
"Ano'ng misyon? Ang guluhin ang Magicca?"
Daphny continued, "Kailangan naming makuha ang cursed sacred book ni Magicca na matagal nang ipinapahanap sa amin ng mga magulang ko, Prince Heather."
"Sino ba ang mga magulang mo?" tanong ni Lord Grey sa kaniya.
"Sina Lord Hellgod at Lady Savannah ng Royal Darkreighn Empire."
Bakas ang pagkagulat sa mga reaksyon nila matapos iyong sabihin ni Daphny. Pansin ko rin na kumakalma na si Arabella kaya binitawan na siya ni Grey.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Shield, "Maliban sa Sacred Book of Magic, ipinapahanap din sa amin ang walong taong nagtataglay ng elemental symbols. Ang mga kaibigan ninyo ang tinutukoy ko."
"Sa ano'ng dahilan naman?" Grey asked.
"Dahil alam ng mga magulang ko na ang mga taong nagtataglay ng mga simbolo ay siyang mga pinakamakapangyarihang element users na maaaring tumalo sa kanila at pigilan sila sa balak nilang sakupin ang buong mundo."
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...