CHAPTER 60: "The Deity's World"

109 3 0
                                    



Someone's P.O.V


Here I am on a faraway place, a different world where the home of the Gods and Goddesses can be found. This is my world. I rule this land and the other world of the humans. Many years ago, I, as the Highest God, and together with the other Deities, can freely interact with the human inhabitants on the world of magic. Sudden unexpected things came that changed everything.

Eversince the day that one of the Deities named Zaturnin betrayed me, I permanently closed our world, the Deities' world, and I forbid any of them to go back into the humans' world. But right now, I'm afraid that I would open our world again for these three upset and whinning Goddesses who badly wants to go back into the other world and help the people who are in the midst of chaos.


A brave Deity told the others, "That's it. If going back to the Mortal's World means breaking our rules, then I would gladly break it myself." By the tone of her voice, I can sense no hint of hesitations. She is so determined.

"Are you sure about that, Magicca? Kautusan ng ating kataas-taasang panginoon na si Archaius ang lalabagin mo. Malaking kaparusahan ang maipapataw sa iyo kapag nagkataon. Maaaring matanggal ka sa pagiging Diyosa at hindi ka na makababalik dito sa mundo natin," Gardellia reminded her. She's the one who knows how to balance everything, especially on making strong decisions.

"Ngunit wala na tayong pagpipilian. Gardellia, makisama ka naman. Hindi ka ba naaawa sa mga naninirahan sa iyong lupain na ngayon ay sinasalakay?"

"Sang-ayon ako. Hindi ko na rin kayang manood na lamang dito at walang ginagawa samantalang nagkakagulo na roon! Hindi 'yan ganyan noong umalis tayo, maayos ang kalagayan nila noon," sabat naman ng isa pang Diyosa, si Fanthasha. Sa kanilang apat, siya naman ang pinakapalaban, lalo na sa pananalita at mga kilos.

"Oo alam ko, ngunit mangyayari ang dapat mangyari. Nakita ko na ito noon sa aking pangitain, matagal na panahon na ang nakalilipas. Darating talaga ang araw ng kaguluhan at ngayon na ang panahong tinutukoy. Nanatili tayo roon ng matagal upang gabayan sila sa mga kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila mula sa isang pagkakamali at hinayaan silang mamuhay ng mapayapa sa mga lupain natin. Ngunit sa kasamaang palad, naging magulo sila. Sila ang nagpasimuno niyan kaya't sila rin ang siyang magwawakas," matigas ngunit tila nagpapaunawang paliwanag ni Gardellia.

"Pero alam kong alam mo na may magagawa pa tayo Gardellia," tugon naman ni Magicca.

"Nagkagulo lang naman dati dahil sa kagagawan ni Zaturnin, traydor siya."

"Tama ka Fanthasha, dahil doon, nagkaroon ng interes sa kapangyarihan ang mga tao. Ngunit hindi pa rin tama na lumabag tayo kay Archaius."


Nagkaroon sila ng panandaliang katahimikan matapos iyong sabihin ni Gardellia. Kahit sa ganitong mga pagkakataon ay isinasaalang-alang niya pa rin talaga ang pagsunod sa aming batas.


Bigla namang nagsalita ang isa pa, "Bakit hindi mo na lang sila hayaang umalis Gardellia? Kagustuhan naman nila iyan at sila naman ang maparurusahan. Ayaw mo no'n, mababawasan ang mga Deities na matitigas ang mga ulo."


Si Darkreighn, ang Diyosang puro katapangan at pagmamataas sa ibang Deities ang ipinapairal. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanila minsan.


"Ano'ng sabi mo bruha? Bakit nasasabi mo pa ang ganyan samantalang ang mga tauhan ng lupain mo ang nanggugulo ngayon sa mundo? Mga sakim sila sa kapangyarihan katulad mo!" singhal ni Fanthasha kay Darkreighn dahilan upang sumama ang pagkakatitig nito.

Her sharp-looking eyes grew darker, like of a blazing fire. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Hah, tingnan n'yo nga naman. Hindi ba't sa halip na pigilan ay tinulungan mo rin noon si Zaturnin? Palibhasa kasi, ginusto mo rin iyon dahil gusto mong pamunuan ang mundo at magreyna-reynahan kapares ang Diyos na si Zaturnin na gusto ring maghari-harian!"

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon