****At the Healing Chamber, Royal Magicca Palace****
Miracle Gemstone
Nandito kami ngayon sa isa sa mga Healing Chamber ng Royal Magicca Palace. Kasama ko pa rin sina Kuya Blaster, Ate Scarlet at si Orange na nagbabantay sa Elemeights na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Nandito rin sina Kuya Healer, Ate Alodia, Prince Heather, Princess Arabella, Lord Neon, Lady Henna, at Lord Grey. Actually, umuwi kami ni Kuya Blaster sa kanya-kanyang tahanan namin kaninang madaling araw pero bumalik din kami nitong umaga lamang dito sa palasyo.
Nag-aalala kami sa mga kaibigan namin. Maayos naman daw sila at walang pinsala pero nababalot daw sila ng kakaibang mahika na hindi maipaliwanag ni Kuya Healer kahit charm user din siya.
Kaya naman, hinihintay namin ngayon ang mga magulang nila na nitong umaga lang din pinuntahan ni Sir Alexander upang ipaliwanag ang nangyari sa mga anak nila. Hindi na kasi namin sila inabala kagabi sapagkat inaasikaso rin nila ang trahedyang nangyari sa kasagsagan ng graduation ball.
Nagkaroon sila ng pagpupulong at pinaiimbestigahan ang nangyari at ngayon ay ipinapaayos na rin ang nawasak na parte ng academy. Apoy kasi ang nakasira sa structures kaya kailangan itong ipa-renovate talaga. Mas okay sana kung winasak lamang ito dahil kaya itong ibalik muli sa dati gamit ang mahika. Ngunit dahil fire element ang ginamit, hindi ito maaayos ng mahika. Malawak din ang naging pinsala nito.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at halos sabay pumasok ang mga magulang ng Elemeights kasama si Sir Alex. Agad silang naglapitan sa kanilang mga anak. Mayroon kasing labindalawang kama rito. Anim sa kaliwa at anim sa kanan.
Sa right side ay magkakasunod ang kamang hinihigaan nina Kuya Zeus, Ate Violet, Kuya Blue at Ate Emerald. Sa left side naman ay sina Kuya Ryeine, Ate Rhythmia, Kuya Saber at Ate Flareena. Bakas sa mukha ng mga magulang nila ang labis na pag-aalala.
"Nararamdaman ko ang mahikang bumabalot sa kanila na pumipigil sa kanilang paggising," ani Lady Eleenna. Nakapikit lang siya at mahahalata sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa kaniyang mga anak.
"Hindi ito simpleng mahika dahil nagagawa lamang ito ng mga bihasang Charm Magic User," seryosong wika ni Lord Eramius, ang nakatatandang kapatid ni Lady Eleenna at siyang ama nina Kuya Saber at Ate Rhythmia.
Napatanong naman si Sir Alex, "Lord Eramius, Lady Eleenna, may magagawa naman po kayo, hindi ba?"
"Syempre, dapat lang dahil ang kambal ko ay parehas na nandito. Ganoon din si kuya. Kailangang magawan ito ng paraan."
Tama, ang magkapatid na sina Lady Eleenna at Lord Eramius ay parehas na mga charm users at bihasa na sila rito.
"Maliban sa amin ni Eleenna, sinu-sino pa nga rito ang may kaalaman sa charm ability?"
Parehas na nagtaas ng kamay sina Kuya Healer, ang ina niyang si Lady Ruby, at si Lord Zandro Clamour.
Tinanguhan naman sila ni Lord Eramius. "Mabuti kung gano'n. Ang charm kasi na ginamit sa kanila ay ang Dark Dream Spell, isang uri ng sleeping charm na kung saan ay sa oras na mahulog ka sa mahika na ito, mahihirapan ka nang makalabas."
"Nakulong sila ngayon sa isang panaginip na pinipigilan silang magising. Ang makatutulong lamang sa kanila ay mga charm users na bihasa sa paggamit ng counter-charms. Actually, kaya kong gawin ito nang mag-isa lamang ngunit kung ako nga lang, maaaring tumagal ito ng isang buwan," paliwanag ni Lady Eleenna na ikinagulat namin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...