Lady Savannah
So, the battle just began, everything is just perfect and settled. We'll now find out if who's the mightiest of them all.
"So, what are you planning to do now?" tanong ko sa aking asawa na prente lamang na kakaupo sa harapan ng lamesa niya.
"Nothing as of now dear wife, I'm just gonna watch them killing each other." We both exchanged a devilish grin after him, saying those words. We both know that the favor is in our hands for as long as we have this cursed book.
"Alam mo, bakit hindi natin bisitahin sina Elleazer nang maibalita natin sa kanila ang mga nagaganap," wika niya pa.
"Mabuti pa nga, nang makita nila mismo kung paano magtatapos ang buhay ng mga pinakainiingatan nilang mga anak."
Tumango lamang siya at saka ako kumapit sa kaniyang mga braso. Gamit ang aking teleportation ability ay nakaalis agad kami. Nagulantang sila nang dumating kami sa kanilang silid. Maging ang tatlong professors na sina Alexander, Melody at Garret ay narito rin. Napangisi ako, mas mainam...
Alexander Heartstream
Laganap ang tensyon ngayon dito sa loob ng silid na kung saan madalas manatili ang mga dugong bughaw. Nag-uusap-usap lamang kami sa mga magaganap sa araw na ito nang biglang dumating sina Hellgod at Savannah na may malademonyong ngiti pa sa mga labi.
Inunahan na sila ni Lord Elleazer. "Kung naparito kayo upang ipaalala sa amin ang mga magaganap ngayong araw, hindi na kailangan dahil alam na namin," mariing wika nito na hindi inaalis ang mga titig sa panauhin.
"Mabuti naman at tanda n'yo pa pala, Lord Elleazer. Ngunit hindi lamang kami naparito upang ipaalam ang nagaganap ngayon sa labas. Nandito rin kami upang ipakita mismo sa inyo ang lahat." Nagsalubong ang mga kilay ko sa makahulugang wika ni Lady Savannah.
"At ano ang ibig mong sabihin d'yan Savannah?"
"Tsk... Maghintay ka lamang, Eleenna. Masyado ka namang mainipin," sarkastikong tugon nito.
"Manood kayong mabuti. Gamit ang makapangyarihang librong ito, ipakikita ko mismo sa mga naririto ang kaganapan ngayon sa loob at labas ng domain!"
Biglang nagliwanag ang libro na hawak-hawak ni Hellgod at kumalat ito sa loob ng silid. Ilang sandali lamang ay nakikita na namin mula sa iba't ibang anggulo ang mga nagaganap sa labas ng domain.
"Lahat din ng mga itinipon namin sa academy ay mapapanood ang mga pangyayari na parang isang palabas. Napakaganda hindi ba? Dito na magwawakas ang lahat," makahulugang wika ni Hellgod.
Naikuyom ko na lamang ang aking mga palad dahil wala man lang akong magagawa upang matulungan sila. Nagsimula na nga ang labanan ng kapangyarihan at ang buhay ng lahat ay nakasalalay sa kung sino ang magtatagumpay...
Alodia Heartstream
"Wind Magic: Multiple Knife-swords!"
Halos sabay na tinamaan ang tatlong Darkreighnians na susugod sana sa akin, ngunit natitiyak kong buhay pa sila. Weapon-changer ako, at ang ginamit ko ay ang knife-swords na sinabayan ko ng aking wind magic. Ilang taon rin ang ipinuhunan ko sa pagsasanay sa tamang pagkontrol ng aking kapangyarihan. Ang pagsasanib ng elemental magic at abilities ang isa sa pinakamahirap ngunit gamit na gamit sa ganitong pagkakataon.
Pinagmasdan ko ang aking paligid. Lahat ng kasamahan ko, sa pangunguna ng Elemeights, ay masyadong abala sa pakikipaglaban.
"Ilag Ate Alodia!"
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...